Naranasan nyo na ba ang magpatuli o circumcision?. Alam nyo ba na isa ito sa madalas pinag-uusapan ng mga kabataan lalo na kapag sasapit na ang bakasyon at pati na din sa mga nakakatanda. Bakit nga ba isa ito sa sensitibong talakayin tuwing nag-uusap ang mga kalalakihan? Dapat ba tuli na ang lalaki bago sila magbinata? o mag-asawa?.
Narito ang mga sagot kung bakit mas kinakailangan ng mga kalalakihan ang magpatuli.
1. Ang tuli ay hindi nakakaapekto sa gana ng lalaki sa pagtatalik. Ngunit sa mga lalaking hindi pa natutuli, ang pawis ay pwedeng magbara sa pagitan ng ulo at balat ng inyong ari na dahilan para magkabakterya ito. Ang bakterya na ito ay pwede dumeretso sa pagka impeksyon at pagkatal ng mikrubyo da ibang tao.
Ang pagtuli o pagtanggal ng balat sa ari ng mga lalaki ay nakakatulong maiwasan ang pagbasa ay madilim na paligid ng ari na pwedeng tirhan ng mga mikrobyo tulad ng HIV, syphilis, cancroids at herpes. Ang tuli din ay nakakatulong sa inyong asawa, para maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer, HIV ay STI.
Mga dapat asahan sa pagpapagaling ng natuling ari:
Ang prosesong ito ay tumatagal ng 30 minuto at ginagamitan ito ng anistisya ng mga duktor para wala kang maramdamang sakit habang hinihiwa at tatahiin. Ang balat sa may bandang ulo ng ari ay hinihiwa at tinatahi para masaraduhan ang parting tinuli. Ito ay kusang natatanggal kapag humilom na ang sugat dala ng pagtahi dito.
Pagkatapos ng pagtuli dito, makakaramdam ang mga kalalakihan ng paghapdi at pananakit ng kanilang ari ng mga isa o dalawang araw ay wala na dapat pamamaga sa loob nh 2 or 3 linggo.
Hindi maiwasan sa tuli o circumcision and pagkakaroon ng impeksyob at pagdudugo na pwedeng dahilan ng tinurok dito na anestisya. Mayroon din naman mga problema ngunit ito ay bibihira maranasan, tulad ng;
1. Maiksi o sobrang haba ng paggupit sa balat sa taas ng ari.
2. Ang balat na ginupit ay bumalik ulit sa dati nitong hitsura, kinakailangan ito operahan ulit
3. Ang balat na ginupit ay hindi gumaling ng maayos.
Mainam parin kumunsulta sa mga duktor para sa mabigyan agad ng tama na gsmot para sa mabilisang paggaling ng tinuli na ari ng lalaki.
0 Mga Komento