Subscribe Us

Madalas nyo ba Tinatapon ang Buhok na Mais?, Sigurado Pagkatapos nyo itong Basahin ay itatabi nyo na ito at Gagawing Inumin dahil sa Napapagaling nitong mga Sakit.

Kumakain ba kayo ng mais? Hilaw man o luto?. Naiinis din ba kayo pagsobrang dami ng buhok ng mais at kailangan itong tanggalin para hindi sumasabit sa ngipin kapag kinakain?. Ngunit ito palang buhok ng mais ay maganda sa ating kalusugan at madami din itong dalang benepisyo sa ating katawan.
Paano gawing tsaa ang buhok ng mais?
Ang buhok ng mais ay pwedeng gawing tsaa. Para gawin ito mayroong dalawang paraan:
1.Una ay kumuha lang ng tuyo o sariwang buhok ng mais, tubig at katas ng lemon. 
Magpakulo ng tubig, kapag ito ay kulo na ilagay ang buhok ng mais at pakuluan ito ng mga ilang minuto. 
Pwede ito inumin ng malamig o mainit, ang iba ay gumagamit ng katas ng lemon para pandagdag sa lasa at amoy. 
2. Ang pangalawang paraan ay kumuha ng tuyong buhok ng mais at tadtarin ito, tubig at pulot. Maglagay ng tubig sa isang banga na may takip, ilagay ang tinadtad na buhok ng mais sa tubig at takpan ang banga at ilabas ito sa maiinitan ng araw, iwan ito dito ng isang buong araw. 
Kunin ang banga kapag madilim na at kumuha ng laman ng tubig na may buhok ng mais at lagyan ito ng pulot at inumin. 
Ang mga natirang tubig na may buhok ng mais ay pwedeng ilagay sa ref at palamigin.

Narito ang mga benepisyo ng buhok ng mais:
1. Ang buhok ng mais ay nakakatulong gamutin ang sakit na UTI o ang inpeksyon sa ihi dahil ginagamot nito ang mga inpeksyon sa ating pantog, sa daanan ng ating ihi at sa prostate gland.
2. Ito ay nakakatulong mapaganda at mapanatili ang kalusugan ng ating bato. Nakakatulong din ito para maiwasan na magkaroon ng kidney stone at mapaganda at mapaayos ang pagdaloy ng ating ihi.
3. Nakakatulong sa paggamot ng mga pamamaga tulad ng arthritis at ang rayuma.
4. Nakakatulong ito mapapababa ang presyonng ating dugo at ang pagkakaroon ng hypertension.
5. Nakakatulong sa maayos na bilang o lebel ng sugar sa atin dugo na pwedeng magdulot ng stroke at problema sa bato.
6. Ang buhok ng mais ay nagtataglay ng bitamina K na tumutulong malunasan ang pagbabara ng mga dugo at nakakatulong din ito maiwasan ang sobrang pagkalabas ng dugo sa ating mga sugat.
7. Tumutulong labanan ang pagkakaroon ng sobrang kolesterol sa ating katawan na pwedeng magdulot ng problema sa ating puso.
8. Tumutulong din ito malabanan ang sobrang pagtaba ng isang tao dahil tinatanggal nito ang sobrang tubig at mga dumi sa ating katawan na syang dahilan ng ating pagtaba.
9. Nagtataglay ng bitamina C na nagpapaganda an gating katawan at immunity.
10. Nagpapaganda ng kulay ng ating balat.
Ang buhok ng mais ay madaming nagagawa o naidudulot na maganda sa ating katawan ngunit ito din ay may masamang epekto. Ang sobrang pagkunsumo ng tsaa na gawa sa buhok ng mais ay nagdudulot ng pagbaba ng potasyom sa ating katawan na pwede magdulot ng problema sa ating balat tulad ng mga alergy. Nakakasama din ito sa mga inang nagpapasuso at mga buntis dahil pwede ito magdulot ng pagkawala o pagkalaglag ng mga sangol sa kanilang sinapupunan. Mainam na kumunsulta sa mga duktor kung pwede ba o hindi sa inyo ang buhok ng mais.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento