Minsan ba ay nagtataka ka kung bakit palagi kang inuutot sa maling lugar? Ang utot ay kombinasyon ng dalawang bagay: ang hangin na iyong nalulunon dahilan ng pagkain ng mabilis, at ang pagkaing iyong kinakain. Ang pagutot ay normal at tanda ng malusog na katawan. Pero dyahe minsan, at ang ilang pagkain pa nga ay mas nagpapautot sayo kumpara sa iba. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga ito.
• Broccoli at Cauliflower
Ang mga gulay na cruciferous katulad ng broccoli, cauliflower, at repolyo ay mataas sa fiber, isang uri ng carbs na hindi natutunaw ng katawan. Hindi kagaya ng ilang pagkain, ang fiber ay umaabot sa large intestine ng buo. Ang karamihan ng bacteria sa GI tract ay naninirahan sa large intestine. Ginagamit nila ang fiber bilang enerhiya at ang utot ay ang syang byproduct nito.
• Oats at Whole Wheat na Tinapay
Ang mga whole grain na pagkain ay nagpapautot sa atin sa parehas na dahilan ng mga gulay sa itaas, ito ay dahil mayaman sila sa fiber. Ngunit hindi ito dahilan upang iwasan ang fiber dahil ito ay mainam sa iyong puso, sa pagtunaw ng kinain at para sa magandang timbang. Mas mabuti pang kumain ng mas maraming pagkain na mayaman sa fiber upang makasanayan ng sikmura.
• Gatas, Keso, at Yogurt
Ang mga dairy products ay nagtataglay ng sugar na tinatawag na lactose, ngunti maraming tao ang nahihirapang tunawin ito sa kanilang mga katawan dahil sa kakulangan ng enzyme na tinatawag na lactase. Ito ay nagreresulta sa pagtatae, bloating at pag-utot.
• Mansanas, Saging, at Peras
Gustong gusto ng katawan ng prutas. Kung medyo kumukulo ang iyong sikmura pagkatapos kumain ng prutas, maaaring dahil ito sa fibers. Ang mga prutas rin ay mayaman sa natural na sugar na kung tawagin ay fructose. Katulad ng ibang fiber rich food, kapag ito ay nakarating sa large intestine nagsisilbi itong enerhiya sa bacrteria at ang utot ang byproduct ng mga ito.
• Beans
Karamihan sa mga legumes, katulad ng mani, sitaw at baguio beans ay mataas sa fiber. Ito at ang ilang sugar sa katawan, tuad ng raffinose at stachyose ay hindi basta-basta natutunaw ng tiyan. Tinutunawnaman ito ng bacteria sa ating intestines na nagreresulta sa iba’t-ibang uri ng gas katulad ng hydrogen, methane, at sulfur. Ang sulfur ang responsable sa mabahong amoy ng utot.
• Softdrinks at Seltzer Water
Ang mga carbonated drinks ay nagpapautot sayo dahil hinahayaan nito na makalunon ka ng sobrang hangin na syang natatrap sa iyong GI tract. Ang hangin na ito ay kailangan ilabas at ang tanging paraan lamang ay sa pagutot. Kung may pagpipilian, doon na sa sugar-free seltzer. Ito ay dahil wala itong artipisyal na pampatamis na kilala bilang sorbitol. Ito ay kailangan rin durugin ng bacteria sa intestine na syang nagpapautot sa atin.
Kung ang pagutot ay palagiang nagiging problema, maaaring uminom ng gamot kalakip ng iyong pagkain. Ito ay mga gamot na nagtataglay ng enzymes na syang tumutulong sa sikmura na tunawing maigi ang pagkain natin. Maaari ring bantayan ang mga kinakain. Ilista ito at pakiramdaman kung ano ang epekto ng bawat pagkain sa iyong katawan. Huwag kakalimutang kumunsulta sa doctor para sa propesyonal na payo.
0 Mga Komento