Ang pangkaraniwang langaw ay isa lamang sa 1.2 milyong species ng langaw sa daigdig. Kung ikaw ay sawa na sa mga ito, oras na upang sila ay puksain. Hindi lamang ito dahil nakakairita ang mga langaw, dahil na rin nagdadala ang mga ito ng bacteria na nagdudulot ng sakit.
Ang mga sumusunod ay ang mga paraan upang mawala ang langaw sa bahay.
1. Flypaper Strips upang mahuli ang mga langaw.
Maraming flypaper sa mga palengke, minsan tinatawag rin itong fly ribbons, dahil ito ay paraan upang makontrol ang peste. Ang mga ito ay gawa sa papel na binalutan ng mabango, madikit, at madalas nakakalasong bagay na syang humuhuli sa mga langaw at iba pang insektong lumilipad. Ang nakakalasong bagay na andirito ay nakakalason rin para sa tao at alagang hayop. Kaya naman magingat sa paggamit nito.
2. Gumamit ng plastic bag upang paalisin ang mga langaw.
Ito ay sadyang interesante at mabisang paraan upang puksain ang langaw. Kailangan mo lamang ng clear na plastic bag na puno ng tubig. Kapag isinabit mo ito sa inyong pinto, hindi makakapasok ang mga langaw sa inyong bahay. May dalawang eksplinasyong ang natural na pamamaraan na ito.
Dahil sa hitsura at ayos ng kanilang mga mata, ang clear na bag na puno ng tubig ay hawig sa sapot ng gagamba sa paningin ng mga langaw. Dahil dito, hindi na sila lalapit at lalayo na lamang sa inyong tahanan. Ang ikalawang dahilan ay ang repleksong ng tubig ay sapat na upang gumawa ng ilusyon sa mga langaw. Ito rin ang dahilan kung bakit may mga fruit stands na mayroong water bag na nakasabit sa kanilang pwesto.
3. Subukan ang Apple Cider Vinegar upang mahuli ang mga langaw.
Ang pamamaraang ito ay mainam upang puksain ang mga fruit flies dahil sila ay nahuhumaling sa amoy ng mga bagay na fermented. Ang apple cider vinegar at gawa sa pamamagitan ng pagferment ng mga mansanas kung kaya’t hindi ito kayang tanggihan ng mg mga langaw, lalo na kung papainitin mo ito ng kaunti. Ang pagpapainit ng suka ay maglalabas ng kakaibang amoy.
4. Honey Trap upang makahuli ng langaw.
Literal na kailangan ng pulot upang gumawa g honey trap. Ang matamis na amoy ng pulot ay magpapahumaling sa mga langaw. Ang pagiging palapot at madikit nito naman ang magpapanatili sa mga ito upang hindi sila makatakas.
Sa katunayan, pwede mong subukan ang kahit na anong uri ng fruit jam. Gustong-gusto ng mga langaw ang amoy ng prutas kaya naman siguradong lalapit ang mga ito.
0 Mga Komento