Sa mga kababaihan, nangangati ba o madalas ba mangati ang maselang parte ng inyong katawan o ang inyong ari?. Marami palang dahilan kung bakit ito na ngangati at dapat natin ito bigyan ng pansin.
Narito ang mga dahilan kung bakit ito nangangati ang maselang parte ng katawan ng babae at ang mga paraan para gamutin ito:
1. Contact Dermatitis.
Ang pangangati ng ari ay pwedeng dahilan ng mga ginagamit na panlinis o sabon na ginagamit panghugas dito o di kaya ang sabon na ginagamit sa panty na sinusuot. Ang contact dermatitis ay ang pagkati o ang impeksyon na nakukuha sa mga bagay na lumalapat sa inyong ari tulad ng sabon, wipes, sabong panlaba, pang ahit o condoms. Maari itong masolusyunan kapag iniwasan ang mga produkto ng mga ginagamit na sabon na dahilan ng pagkati ng iyong ari.
2. Impeksyon sa Yeast.
Ang impeksyon sa yeast ay isa sa madalas na dahilan ng pangangati ng ari ng babae. Ang impeksyon sa yeast ay nangyayari kapag hindi balanse ang organismo ng ari ng babae na nagreresulta sa sobrang dami o lago ng yeast. Ang impeksyon na ito ay pwede magdulot ng sakit at hapdi tuwing iihi o tuwing makikipagtalik. Ito ay nasusolusyunan ng gamot para sa antifungal na nabibili sa mga butika pero mas mainam pa din na kumunsulta sa duktor para masuri itong maigi at magbigyan ng tamang gamot para dito.
3. Aging o pagtanda.
Hindi lang edad ang tumatanda sa atin, pati din ang ating mga balat at isa ito sa dahilan ng pagkati ng ating ari. Madalas ito nangyayari sa mga babae na magmemenopause na at ang estrogen sa kanilang katawan ay bumababa na kumapara nung bago sila magmenopause na dahilan ng pagkati ng ari. Para masolusyunan ito kumunsulta sa mga dukto para maresitahan ng tamang gamot para dito.
4. Bacterial vaginosis.
Ito ay isa din sa madalas na dahilan ng pangangati ng ari ng babae na kagaya ng impeksyon sa yeast. Imbis na yeast, bakterya ang dumadami sa sa ari ng babae dulot ng likido na lumalabas dito na nagreresulta sa paghapdi at mabahong amoy. Para ito ay gamutin kinakailangan na kumunsulta sa duktor para maresitahan ng gamot.
5. Ari na mabasa-basa.
Ang ari na mabasa-basa ay isa din sa dahilan ng pangangati nito. Ito ay nangyayari kapag masyadong masikip ang suot na takip sa ari o ang panty na hindi na nakakahinga ang ari o ang sobrang pagpapawis ng ari at hindi agad napapalitan ang suot na panty.
Para masolusyunan ito, magsuot ng panty na cotton ang tela, gumamit ng panty liners kung madalas ang paglabas ng likido at palitan ang mga suot na pambaba pagsobra na itong basa ng pawis.
Mas mainam pa din na ikunsulta ang lahat ng nararamdamang mali o hindi kaaya-aya sa ating katawan sa mga duktor para tayo ay maresitahan o mapayuhan ng mga tama at nararapat ng gamot at gawin sa ating mga katawan.
0 Mga Komento