Ang asin o salt o sodium chloride ay isa sa mga importanteng sangkap o pampalasa na kailangan ng ating katawan. Ito ang nagbabalanse o nagpapanatili ang lebel ng likido sa ating mga katawan na siyang dahilan para makapagtrabaho ng maayos ang ating mga kalamnan o muscles.
Ayon sa pag-aaral ang hindi balanse o tamang bilang ng sodium sa ating katawan ay delikado dahil pwede ito magdulot ng pagbaba ng presyon ng ating mga dugo. Ngunit ang sobrang dami ng bilang ng asin sa ating katawan ay delikado din, halika at ating alamin kung bakit.
Narito ang mga Sinyales na Mataas na ang lebel ng Asin sa Inyong Katawan:
1. Kidney stone.
Ayon sa pag-aaral kapag tayo ay kumakain ng mga pagkain na masyadong maalat o kapag sobra ang dami ng bilang ng sodium sa ating katawan nagreresulta ito ng sobrang dami ng calcium sa ating mga ihi na kapag ito ay sinama sa asin ay pwede magdulot ng kidney stone o problema sa ating bato.
2. Madalas kang mauhaw.
Kapag ikaw ay kumain ng mga pagkain na masyadong maalat o masyadong maasin, ang iyong katawan ang nangangailangan ng sobrang dami ng likido na syang naglilinis sa ating katawan para ang ating mga kalamnan at mga lamang loob ay makapagtrabaho ng maayos. Ang madalas na pagkauhaw ay senyales na ang ating katawan ay nangangailangan ng madaming tubig.
3. Pagtaas ng presyon ng dugo.
Ang balanse o tamang bilang ng sodium sa ating katawan ay mahalaga dahil pwede nito maapektuhan ang ating dugo at mga kalamnan.
4. Pamamaga.
Ang pagkain ng masayadong maalat o maasin na pagkain ay pwede magdulot ng pamamaga sa ating mga daliri sa kamay at paa, at pamamaga ng mata paggising sa umaga.
5. Hindi ka focus sa pang-araw araw na gawain.
Dahil ang sobrang dami ng bilang ng sodium sa ating katawan ay pwede magdulot ng pagkasira ng mga ugat na kumokonekta sa ating mga utak.
6. Madalas na pananakit ng ulo.
Ayon sa pag-aaral ang mga tao na kumakain ng mahigit sa 1500 mg ng sodium ay may maliit na porsyento na sumakit ang ulo ng madalas kumpara sa mga tao na kumakain ng mahigit sa 2500 mg ng maalat na pagkain.
7. Pananakit ng buto.
Kapag tayo ay kumakain ng pagkain na maaalat kinakailangan nating uminom ng madaming tubig para palitan ang sobrang dami ng bilang ng sodium natin sa pamamagitan ng pag-ihi. Ngunit, ang pag-ihi natin ng madalas ay pwede magdulot ng pagkunti ng bilang ng calcium sa ating mga katawan na dahilang para an gating mga buto pati narin ang ating mga ngipin ay humina at rumupok.
8. Pananabik sa maaalat na pagkain dahil sa madalas at madaming pagkain ng maaalat na pagkain.
Ayon sa pag-aaral ang asin o maaalat na pagkain ay masarap sa ating panlasa kaya kapag ito ay nasobrahan ito ay magreresulta sa sobra o pananabik sa pagkain ng mga pagkain na maalat.
Hindi masama ang pagkain ng maaalat pero dapat ito ay balanse, mas mainam parin na kumain ng mas madaming prutas at gulay kesa sa mga pagkain na dumaan sa proseso o ang mga pagkain na nakabalot.
0 Mga Komento