Ang Gonorrhea ay isang sexually transmitted disease (STD). Ito ay dala ng mga bacteria na madalas ay nasa mainit, at mamasa-masang bahagi ng katawan ng isang tao katulad ng urethra, mata, lalamunan, ari, pwet, at ang reproductive tract ng babae. Ang parehong babae at lalaki ay maaaring magkaroon nito.
Maraming sintomas ang gonorrhea na maaaring alam mo na, ngunit mayroong mga pagkakataon na mayroon ka na pala nito, pero hindi lumalabas ang mga sintomas. Madalas ay 2 weeks mula sa pagkakuha nito nararamdaman o nakikita na ang sintomas ng gonorrhea. Madalas na antibiotic ang nirereseta para dito, ngunit mayroong mga herbal remedies at pagbabago sa lifestyle na maaaring subukan upang mawala ang impeksyon.
Ang mga sumusunod ay ang 10 na paraan upang gamutin ang gonorrhea:
1. Abstinence.
Kung ikaw ay nadiagnose na na mayroong gonorrhea, dapat tigilan na ang pakikipagtalik sa iyong partner habang ikaw ay ginagamot. Mahalaga ito habang ikaw at ang iyong partner/s ay pinapagaling.
2. Antibiotics.
Upang pagalingin ang gonorrhea, kailangan uminom ng niresetang antibiotics ng doctor. Ayon sa Centers for Disease and Prevention, ang gonorrhea ay maaari lamang mapagaling ng antibiotic na ceftriaxone.
3. Bawang.
Ang bawang ay isang antibacterial na halaman na nakatutulong sa paggaling ng impeksyong dala ng gonorrhea. Mayroon itong taglay na allicin na syang responsable sa kakayanang labanan ang disease-causing bacteria na ito. Pinapaigting rin ng bawang ang immunity at pinapanatiling malusog ang katawan.
Kumain lamang ng 2 o 3 bawang, siguraduhing wala pang laman ang tiyan. Pwede mo ring mas ramihan ang bawang sa mga lutuin.
4. Apple Cider Vinegar.
Isa pang sangkap na makatutulong sa pagpapagaling ng gonorrhea ay ang Apple Cider Vinegar. Ito ay mayroong potent antimicrobial at antibacterial properties na tumutulong sa paglaban ng impeksyon sa iyong katawan. Kaya rin nitong bawasan ang sakit at pamamaga habang pinipigilan ang pagkalat ng impeksyon sa katawan.
Magdagdag laman ng 1 tasa ng raw, unfiltered na apple cider vinegar sa iyong pampaligo. Ibabad ang katawan rito sa loob ng 15 minuto araw-araw. Isa pa, paghaluin ang 1 hanggang 2 kutsara ng raw, unfiltered apple cider vinegar sa isang baso ng mainit at filtered na tubig. Dagdagan ng manuka honey at haluin bago inumin ng 2 beses sa isang araw.
5. Olive Leaf Extract.
Ang olive leaf extract ay nagtataglay ng mabisang oleuropein na syang may malakas na antimicrobial properties. Maaari kang uminom ng olive leaf extract supplement. Ang madalas na dosage nito ay 250 hanggang 500 mg ng kapsula dalawang beses sa isang araw. Siguraduhing kumunsulta muna sa iyong doctor.
6. Oregano Oil.
Ang oregano ay ay epektibo sa pagpapagaling ng kahit ano mang bacterial infection, kasama na rito ang gonorrhea. Ang carvacrol ay isang chemical component ng oregano oil na nakatutulong sa pagpapababa ng impeksyon. Paghaluin lamang ang 3 hanggang 4 na patak ng Oregano Oil sa isang baso ng tubig o fruit juice. Inumin ito dalawang beses sa isang araw
0 Mga Komento