Malapit na ang tag-init saan nyo balak pumunta para pawiin ang nararamdamang init sa dagat ba, sa ilog, sa talon, o sa swimming pool?. Mahilig kaba maligo sa swimming pool? alam mo ba na ito ay nagtataglay ng kemikal na kung tawagin ay chlorine?. Halika at ating alamin kung anu ba itong chlorine sa mga swimming pool at anung panganib ang dala nito sa atin katawan.
Ang swimming pool ay nagtataglay ng chlorine na syang pumapatay sa mga bakterya at mikrobyo at pumipigil sa pagkakaroon ng lumot, ito rin ang pumipigil sa mga pagpapawis at paglalangis ng ating katawan.
Ang chlorine ay nagtataglay ng masyadong matapang na amoy na dahilan sa namumulang mata at pangangati ng balat ng mga naliligo dito. Ito kasi ay pumapasok sa ating mga balat na kapag sobra ang pagligo dito ay pwede magdulot ng problema sa ating kalusugan, ito din ay kilala na isang carcinogen o syang nagdudulot ng sakit na kanser sa ating mga tao. Nagdudulot din ito ng panunuyo at pagkukulubot ng balat at pagkasira ng buhok.
Ang mga swimming pool na may chlorine na nasa loob ng isang gusali o kahit saang lugar na natatakpan ay mas delikado kumpara sa mga swimming pool na nasa labas,dahil ito ay naglalabas ng lason na kung tawagin ay nitrogen trichloride. Malaking pinsala sa ating katawan lalo na sa linya na kumokonekta sa atin baga, ang dulot nitong lason kapag ito ay ating nalanghap tulad ng pagkakaroon ng problema sa baga at hika. Ang lason na ito ay lubos na nakakasama sa mga matatanda at mga maliliit na bata.
Para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit, narito ang ibat ibang paraan na dapat gawin:
1. Piliin at maligo sa swimming pool na nasa labas sa kadahilanang ito ay mas ligtas dahil ang mga lason na dulot ng chlorine ay sumasama sa hangin sa iyong kapaligiran.
2. Magsabon at magbanlaw agad ng tubig na walang chlorine pagkatapos maligo sa swimming pool. Importante na pagkatapos nating maligo sa swimming pool ay magbabanlaw tayo ng ating katawan dahil hindi lang tayo ang naliligo sa swimming pool. Hindi natin alam kung ang ibang naliligo dito ay may sakit sa balat o wala, pwede din kasi ito magtaglay ng mga pawis ng ibang tao at mga ihi na dahilan madalas ng pangangati ng balat.
3. Bago maligo, uminom muna ng tubig para maiwasan ang dehydration.
4. Iwasang maligo palagi sa mga swimming pool na may chlorine.
5. Pagkatapos maligo sa swimming pool ay pumunta sa lugar na may malinis at masarap ang simoy ng hangin para malinis ang iyong baga sa sobrang pagamoy bg chlorine.
6. Kung maaari ay magsuot ng panangga sa muka at sa mata kung gusto mong sumisid sa pinaka-ilalim ng swimming pool.
Mas maganda pa din na maligo sa mga lugar na kung saan ang tubig ay natural at hindi hinahaluan ng kemikal, pero mainam pa din na magbanlaw ng malinis na tubig pagkatapos maligo sa kung saan saang lugar gaya ng swimming pool.
0 Mga Komento