Ang kamias ay marahil hindi masyadong sikat na prutas na makikita sa mga pamilihan or palengke, ito ay madalas makikita nyo lang sa mga bakuran ng bahay bahay. Marami ang hindi nakakaalam kung ano nga ba talaga ang mga benepisyo na kayang gamotin ng prutas na ito pero isa ito sa mga prutas na pwedeng makapagbigay sa ating katawan ng vitamin B at C, iron, phosporus at antioxidants.
Matagal na itong ginagamit ng ating mga ninono upang gamotin ang mga karaniwan na sakit katulad ng, ubo, hemorrhoids, pangangati, at mga sakit sa balat. Narito at alamin nyo ang sampong benepisyo ng Kamias at kung pano nga ba ito ginagamit pang gamot sa mga sakit na ito.
1. Almoranas. Maaaring maibsan ang pamamaga ng tumbong o almoranas sa pamamagitan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kamias.
2. Iritasyon sa mata. Maaaring patakan ng katas ng kamias ang mata na may iritasyon.
3. Pagtatagihawat. Makatutulong din ang dinikdik na dahon ng kamias sa matinding pagtatagihawat sa balat.
4. Pangangati ng balat. Pinapahiran ng dinikdik na dahon ng kamias ang bahagi ng balat na dumadanas ng matinding pangangati.
5. Beke. Pinapahiran ng dinikdik na dahon ng kamias ang apektadong bahagi ng katawan partikular sa bandang panga.
6. Ubo. Maaring ilaga ang bulaklak ng kamias upang mainom at guminhawa ang pag-uubo.
7. Beriberi. Ang sakit na beriberi ay dulot ng kakulangan ng Vitamin B1 (thiamin). Maaari itong maibsan sa pamamagitan ng pagkain ng bunga ng kamias.
8. Rayuma. Ang pananakit sa mga kasukasuan na dulot ng rayuma ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng pagpapahid ng dinikdik na dahon ng kamias sa mga bahaging nanakit.
9. Lagnat. Makatutulong sa pagbaba ng lagnat ang pag-inom sa katas ng bunga ng kamias.
10. Scurvy. Ang scurvy na dulot naman ng kakulangan sa Vitamin C, ay maaaring matulungan ng pagkain din sa maasim na bunga ng kamias.
0 Mga Komento