Ang malunggay ay isa sa pinaka sikat na halamang gamot panalaban sa mga mapinsalang sakit, hindi lang ito mabisang gamot, ito rin ay punong puno ng mga vitamina at nutrition na pwedeng gamitin ng ating katawan upang mapanatili itong malusog at malayo sa ibat ibang uri ng sakit.
Ang malunggay ay matagal ng ginagamit ng ating mga ninono panlaban sa mga nakalistang sakit na ito. Basahin kung pano ginagamit ang malunggay sa mga nasabing sakit dito:
1. Hirap sa pagdumi.
Ang hirap sa pagdumi o pagtitibi ay matutulungan ng pagkain sa bunga at mga dahon ng malunggay.
2. Sugat.
Ang malalalang sugat na matagal maghilom ay maaaring hugasan ng gamit ang pinaglagaan ng ugat ng malunggay. Ang dinikdik na dahon na hinalo sa langis ng niyog ay mainam din para mapabilis ang paghilom ng sugat.
3. Pagpapasuso ng gatas.
Nakatutulong naman ang pag-inom sa pinaglagaan ng murang dahon ng malunggay sa pagpapalakas ng gatas ng nagpapasusong ina.
4. Pananakit ng mga kalamnan (spasm).
Matutulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng mga ugat ng malunggay ang mga nananakit na kalamnan dahil pasma.
5. Bulate sa sikmura.
Ginagamit din na pampurga sa mga bulate sa tiyan at bituka ang mga buto ng malunggay.
6. Hika.
Maaari ding makatulong sa kondisyon ng hika ang pag-inom sa gatas na hilauan ng katas ng ugat ng malunggay.
7. Rayuma.
Ang kondisyon naman ng rayuma ay maaring maibsan sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng mga buto ng malunggay, o kaya ay pinaglagaan ng dahon ng malunggay.
8. Sore throat.
Mabisa naman para sa sore throat ang pagmumumog sa pinaglagaan ng ugat.
9. Altapresyon.
Ginagamit din na pampababa sa presyon ng dugo ang pagkain sa buto ng malunggay.
10. Sinok.
Ang sinok ay maaaring maibsan sa tulong pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng malunggay.
0 Mga Komento