Ang ating balat ay nagtataglay ng glandula na kung tawagin ay sebaceous glands na syang dahilan ng paglalangis o sebum ng balat at ng buhok. Ang glandula na ito ay madalas matatagpuan sa ating balat at anit pero ito din ay matatagpuan sa ibang parti ng ating katawan katulad ng sa ilong at noo na kung saan ito ay may katamtamang laki na dahilan para madali itong makita o mapansin.
Ito ay isa sa problema ng karamihan sa atin. Ang problemang ito ay madalas din nakukuha sa sobrang pagbabad sa init ng araw, pagtanda at kakulangan ng collagen sa ating balat. Para maiwasan ang pagkakaroon nito, ugaliing maghugas ng muka araw araw para maalis ang nakasingit na dumi na nagdudulot ng pagbukas ng pores ng ating balat.
May mga kemikal din na pwedeng magpaliit o magpasarado ng pores pero mayroon din namang mga natural na pwedeng gamitin at ito ay pinag-aralang mabuti.
Narito ang tatlong paraan kung panu gawin ang natural na pampaliit ng pores.
• Apple Cider Vinegar (ACV) at Tubig.
Mga sangkap na dapat gamitin:
1. Limang kutsarang ACV.
2. Dalawang tasa ng tubig.
Pamamaraan ng paggawa nito:
1. Ilagay lahat ng sangkap sa isang spray bottle at iwisik ito sa inyong muka o sa lugar na may malalaki kayong bukas na pores. Pagkatapos hugasan ang muka ng tubig at lagyan ng langis ng nyog para mapanatili itong hydrated. Ang Apple Cider Vinegar ang nagpapaliit at nagsasara sa mga pores natin at nagpapanatili ng lebel ng PH sa ating balat.
• Aloe Vera.
Mga Sangkap na dapat gamitin:
1. Sariwang gel ng aloe vera.
Pamamaraan ng paggawa nito:
1. Kaskasin ang gel ng aloe vera sa dahon nito at ikuskos sa muka bago matulog.
2. Iwan ito ng magdamag sa muka at alisin ito sa pamamagitan ng paghihilamos ng maligamgam na tubig sa umaga pagkagising.
3. Ang gel ng aloe vera ay nakakatulong sa produksyon ng collagen sa ating balat at ito din ang nag-aalis ng mga dumi at paglalangis ng ating mga pores na dahilan para ito ay magbukas o lumaki.
• Puti ng itlog, katas ng lemon at oatmeal.
Mga sangkap na dapat gamitin:
1. isang pirasong puti ng itlog.
2. dalawang kutsarang oatmeal.
3. dalawang kutsarang katas ng lemon.
Pamamaraan ng paggawa nito:
1. Haluin lahat ng mga sangkap sa isang lalagyanan hangang sa maging pasta ang hitsura nito.
2. Ilagay ang pasta sa muka at iwan ito ng kalahating oras.
3. Alisin ang pasta gamit ang maligamgam na tubig.
4. Ang puti ng itlog ay nakakatulong sa paggamot at pagalis ng mga pamamaga at pagsikip ng ating balat at ang pasta ang magpapaliit at magsasarado ng pores.
0 Mga Komento