Alam nyo ba na may mga bagay tayo na dapat at hindi dapat ginagawa kapag tayo ay nakikipagtalik?. Minsan mahirap panatilihing malinis at malusog ang maseselang parte ng ating katawan dahil kadalasan ang mga impeksyon at bakterya na pumapasok dito ay dahil na din sa mga maling ginagawa natin.
Narito ang mga dapat gawin ng babae pagkatapos makipagtalik na pwedeng makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng kanilang ari at para maiwasan na magkaimpeksyon ito.
1. Pumunta sa Comfort Room o banyo pagkatapos makipagtalik.
Habang ang lalaki at babae ay nagtatalik hindi maiwasan na ang mga mikrobyo ay pumunta sa maselang parti ng kanilang katawan o ng kanilang ari. Ang loob ng ari ng babae ay medyo mainit dahilan para ang mga mikrobyo ay nagnanais na pasukin ito at doon magparami. Para maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa pantog, ugaliing umihi isang oras matapos makipagtalik sa ganun mahugasan ang ari ng babae at maiwasan ang pagkakaroon ng faecal toxic contamination.
2. Iwasang gumamit ng sobrang init na tubig kapag maliligo.
Ang pagligo ay nakakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng maselang parti ng ating katawan ngunit ang pagligo sa sobrang init na tubig ay nagdudulot ng problema sa ari ng mga babae. Ang ari ng babae ay bumubukas ng kaunti kapag ito ay nakaramdam ng mainit na tubig, kaya kapag ang babae ay naligo gamit ang mainit na tubig pagkatapos ng pakikipagtalik, pwedeng pasukin ng mikrobyo ang kanilang ari at magdulot ito ng impeksyon.
3. Iwasan ang mga magaganda at nakakapang-akit na damit-panloob o lingerie.
Dahil karamihan dito ay gawa sa nylon o polyester na dahilan para hindi makahinga ng ayos ang inyong ari. Iwasang gumamit nito lalong lalo na pagkatapos makipagtalik, mas mainam na gumamit ng mga damit-panloob na gawa sa cotton.
4. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa probiotics.
Pagkatapos makipagtalik ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa probiotics tulad ng yogurt at kimchi dahil nagdudulot ito ng maayos na bakterya na pwedeng makatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa yeast.
5. Uminom ng tubig pagkatapos makipagtalik.
Kagaya ng pageehersisyo, kailangan nyo din uminom ng tubig pagkatapos makipagtalik para maiwasan ang dehydration na nakakaapekto sa inyong buong katawan. Kaya uminom agad ng tubig kapag naramdaman nyo na ang panunuyo ng inyong bibig. Ang pag-inom din ng tubig pagkatapos makipagtalik ay nakakatulong sa paglabas ng mga mikrobyo sa inyong pantog na nagdudulot ng sakit na UTI o Urinary Track Inpection.
6. Gumamit ng pampatuyo para maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa yeast.
May mga babaeng gumagamit ng blower para patuyuin ang kanilang ari at ayon sa pag-aaral ito ay talagang epektibo ngunit mag-ingat lang kapag ito ay gagamitin. Ang paraang ito ay nakakatulong lalo na sa mga babaeng nakakaranas ng UTI at mycosis.
7. Iwasang gumamit ng sabon sa paglinis ng maselang parti ng babae, hindi lang pagkatapos makipagtalik kundi lagi dapat dahil ang ari ng babae ay maselan.
Ang ari ng babae ay may kakayanang linisin ng kusa ang sarili, kapag ginamitan ito ng sabon pwedeng masira ang lebel ng PH nito. Pwede din ito magdulot ng pangangati at panunuyo, ayon sa isang kasabihan, kung anu ang ayaw mong ilagay sa bibig mo ay huwag mo ding ilagay sa ari mo. Mas mainam na linisin ito ng maligamgam na tubig lang.
8. Iwasang gumamit ng wet wipe.
Ito ay nagtataglay ng kemikal na syang nagpapabango dito na sya ding dahilan ng pangangati sa maselang parti ng babae lalong lalo na pagkatapos makipagtalik. Kung gusto nyong gumamit ng ibang panlinis bukod sa tubig, gumamit lang ng suka at ihalo ito sa tubig dahil ito ay hindi nakakaapekto sa lebel ng PH ng inyong ari.
0 Mga Komento