Sa maniwala kayo at sa hindi ang sibuyas ay nagtataglay ng mga importanteng sangkap na makakatulong sa kalusugan. Ito ay nagtataglay ng antioxidant, antibacterial, anti-carcinogenic at iba pang sangkap na mamakakatulong medikal sa kalusugan na hindi mo inakala.
Ang sibuyas ay may lamang vitamin A, C at E. Higit sa lahat ang halaga ng antioxidant na makikita sa sibuyas ay kayang alagaan ang cells ng balat. Ito ay kayang pagandahin at palambutin higit pa sa dati. Ang balat ng sibuyas ay may mas maraming antioxidant higit pa sa mismong laman.
Ang balat ng sibuyas ay mayroong sangkap na tinatawag na quercetin na nakakatulong upang bawasan ang blood pressure at pigilan ang mga pagbara sa arteries. Kapag kinain ang balat ng bawang mababawasan ang posibilidad na magkaroon ng mga sumusunod na mga sakit:
1. Kanser sa Colon
2. Sakit sa Puso
3. Problema sa Timbang
4. Type 2 Diabetes
5. Gastrointestinal Issues
Paano gumawa ng Tea o tsaa gamit ang balat ng sibuyas:
1. Kumuha ng isang pitsel at ilagay ang balat ng sibuyas, masasabing paunang labas na balat ng sibuyas.
2. Lagyan ng katamtamang mainit na tubig ang balat ng sibuyas at hayaan ito ng ilang minuto.
3. Salain ang mga balat ng sibuyas at inumin ang tsaa bago matulog.
4. Pinakamainam na inumin ang tsa-a bago matulog sapagkata ang quercetin ay may kakayahan na makapag patulog agad.
Paunawa: Ang balat ng sibuyas ay hindi minumungkahi sa mga buntis at nagpapasuso na nanay.
Bukod sa paggawa ng tsaa maari ring gumawa ng supas gamit ang balat ng sibuyas maaring higupin ang sopas upang makuha ang lahat at buong sustansiya na dulot ng sibuyas.
0 Mga Komento