Marami sa atin ang naghahangad ng forever kung saan ay forever happy tayo sa ating katipan at forever kinikilig in love. Sa katagalan ay nagkakaroon ng mga di pagkakaunawaan na maaaring ikasira ng relasyon.
Narito ang 10 dahilan bakit pumapalpak ang isang relasyon.
1. Napagiiwanan sa Buhay
Kung ang partner mo ay nagtutuloy tuloy sa tagumpay niya sa kanyang career at ikaw ay nananatiling nasa baba, maaaring makaramdam ka ng insecurity o pagka-ilang sa ka relasyon mo. Dahil dito ay nagkakaroon ng pakiramdam na pareho kayong gumagalaw sa magkaibang mundo.
2. Isyu sa Komunikasyon
Ito ang isa sa pinaka dahilan ng paghihiwalay ng magkarelasyon. Kung hindi na kayo madalas magusap ng karelasyon mo, ay nagkakaroon ng malaking agwat sa inyong dalawa. Nawawala ang bonding at closeness na sa huli ay nagreresulta sa hiwalayan.
3. Isyu sa Pera
Kung nagkakaroon kayo ng isyu sa pera, ito ay maaaring magdulot sa hiwalayan kung hindi maliwanag was bawat isa kung ano ang gampanin nila sa relasyon ninyo. Kapag tumatagal ang relasyon, nagkakaroon ng responsibilidad ang bawat isa nang patungkol sa pera. Kadalas ay kung may isyu na hindi masolusyonan, ito ay nagiging sanhi ng hiwalayan.
4. Nagkalayo, Tinamad at hindi pag bigay importansya sa relasyon.
Kung kayo ay nagkalayo at hindi agad naagapan na makapagbonding, maari kayong tamarin na ayusin ang lahat. Dahil dito ay hindi na ninyo bibigyan importansya ang relasyon at maaaring umuwi sa hiwalayan.
5. Isyu sa tiwala
Tiwala ang isa sa pinakamahalagang pundasyon ng isang relasyon. Sa oras na mawala ito ay mahirap na ito maibalik. Dito nagmumula ang mga importanteng aspeto ng isang relasyon, ang seguridad sa pagmamahalan niyo sa isa’t isa at ang kaligtasan. Mawala lamang ang tiwala sa isa’t isa ay tiyak na babagsak ang isang relasyon.
6. Isyu sa pagiging Kompatible
Kailangan na kompatible ang bawat isa sa relasyon. Hindi lamang sa mga interes ang bawa’t isa ngunit pati na rin sa tuwing nagtatalik, paglalambingan, at sa tuwing nagsasama. Dahil maaaring pagmulan ng away kung hindi sangayon ang isa sa gusto ng isa.
7. Mga bisyo at adiksyon
Ang mga bisyo at adiksyon ay maaaring maging hadlang sa pagunlad ng isang relasyon. Maaari din magdulot ito ng pagiging bayolente ng isang tao, at pagmulan ng away.
8. Ang pagkabighani sa sarili
May mga taong makasarili ngunit ang tao na nabibighani sa sarili ay walang iisipin kundi kung gaano siya kagaling kaysa sa iba. Dahil dito ay maaaring hindi magkaroon ng parehong lebel ng pagmamahalan ang bawat meyembro sa isang realsyon dahil maaaring mas bigyan halaga ng isa ang sarili niya kaysa sa ang karelasyon nito.
9. Magkaibang inaasahan
Mas mainam na malinaw sa bawat isa kung saan siya nakatayo sa buhay mo, dahil maaaring hindi ka nila inaasahan bilang maging asawa pagdating ng panahon. Maaari ding hindi ikaw ang prayoridad niya at marahil ay mas binibigyan importansya niya ang pangarap niya sa pamilya ninya. Ang mga ito ay ang maaring dahilan ng inyong hiwalayan.
10. Pagaabuso
Kung napagbubuhatan mo ng kamay ang iyong ka relasyon ay maaaring hindi magtagal ay hihiwalay din ito sa iyo. Ang pagiging maabuso ay may katumbas na parusa sa batas, kaya’t maging maingat tuwing umiinit ang ulo.
0 Mga Komento