Ang prutas na lemon ay isa sa mga klase ng citrus na prutas na gustong gusto ng nga tao lalo na kapag ito ay ginawang juice. Ang hindi natin alam, bukod sa masarap itong gawing juice, ang balat din pala nito ay maganda para sa ating kalusugan tulad ng pagpapatibay ng ating immune system, pagpapababa ng kolesterol, at ginagamit din na pang detox .
Ayon sa pag-aaral ang pagkain ng mga sariwang prutas at gulay ay nakakatulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng mga sakit.
Narito ang mga sakit na pwedeng magamot o maiwasan sa tamang pagkunsumo ng lemon:
1. Kanser
2. Depresyon at stress
3. Hika
4. Stroke
5. Mga Pamamaga
6. Sakit sa bato
Ang Lemon Laban sa Sakit na Kanser.
Ang lemon ay kilala sa taglay nitong bitamina C at ayon sa pag-aaral ang balat nito ay nagtataglay ng maraming nutrients. Ang balat ng lemon ay may kakayanang alisin ang mga toxic waste sa loob ng ating katawan, at ito ang dahilan kung bakit ang lemon ay ginagamit na panggamot sa sakit na kanser.
Ayon sa pag-aaral ang frozen lemon o ang lemon na pinalamig at pinatigas ay may kakayanang gamutin ang labing dalawang klase ng sakit na kanser tulad ng kanser sa suso, sa colon, sa baga, sa pancreas at sa prostate. Ayon pa dito, ang frozen lemon ay mas epektibo kumapara sa chemotherapy na ginagawa ng mga duktor dahil ito ay mas ligtas dahil wala itong kemikal na hindi tulad ng sa chemo.
Dagdag pa nila, ang katas ng lemon ay nakakatulong na patayin ang mga kanser cells at iwan ang mga cells na malulusog at walang dinudulot na problema sa ating katawan.
Ang balat ng lemon ay mas mabisa kesa sa katas nito, kaya mas mainam na gilingin ito kasama ang balat para walang masasayang na nutrients. Madami ang may ayaw sa mga citrus na prutas dahil sa mapait nitong balat ngunit ang hindi nila alam ay mas masustansya ang balat nito kesa sa laman.
Narito ang mga paraan kung paano alisin ang pait ng lemon o kung paano gawin na hindi sya maglalasang mapait.
1. Palamigin at patigasin ang lemon
2. Hugasan ang lemon gamit ang apple cider o baking soda
3. Pagkatapos hugasan ng apple cider o baking soda, hugasan ulit ito ng tubig at patuyuin gamit ang tissue o twalya.
4. Ilagay ito sa freezer ng buong magdamag.
5. Kapag ito ay matigas na, gadgadin ito at gawing ice cube bago ibalik sa loob ng freezer.
6. Kainin ito kahit anong oras basta nagustuhan mo itong kainin.
Ang balat ng lemon ay pwede ding ihalo sa ibat ibang klaseng pagkain pwede itong gadgadin at ihalo sa mga ulam, salad, sabaw, mga cake, sauce ng pasta o di kaya ay sa sariling gawang ice cream.
Pwede din ito ihalo sa mga paborito nyong inumin tulad ng tsaa, juice at mga smoothie o shake.
0 Mga Komento