Madalas kabang makaranas ng pamamaga ng paa? Alam nyo ba kung ano ang dahilan ng pamamaga nito at ang mga natural na panggamot dito?. Ang pamamaga ng paa ay dulot ng ibat ibang klase ng sakit pwedeng dahil sa pagbubuntis, nagkasugat, matagal na nakatayo, mataas ang presyon ng dugo o di kaya ay may mas malalang karamdaman sa loob ng inyong katawan. Kung ito ay simpleng pamamaga lang may mga natural na gamot para ito ay malunasan.
Narito ang mga listahan ng mga natural na gamot na pwedeng gamiting panggamot sa mga pamamaga:
1. Cabbage o Repolyo.
Maglagay ng puti o berdeng repolyo sa loob ng ref at palamigin ito. Kapag ito ay malamig na at malambot, ilagay ito sa namamagang paa pagkatapos ay hugasan ang paa at hayaan ito ng mga ilang minuto. Ayon sa pag-aaral ang repolyo ay nakakatulong na maalis ang mga sobrang likido na dahilan ng pamamaga ng ating paa..
2. Pagbabad sa tubig na may tonic.
Ang tonic water o ang tubig na may tonic ay nagtataglay ng quinine na syang mabisang panggamot sa mga pamamaga. Ang pagbabad ng paa sa malamig o maligamgam na tubig na may tonic at nakakatulong sa paggaling ng namagang paa.
3. Pagbabad sa epsom salt.
Kumuha ng epsom salt at ilagay ito sa timba na puno ng tubig at ibabad ang paa dito ng halos 15 hanggang 20 minuto. Ang epsom salt ay nakakatulong sa maayos na pagdaloy ng dugo at para maalis ang pamamaga ng paa. Ito din ay mabisang pangtanggal ng mabahong amoy at ng tuyong ng balat ng paa.
4. Tamang pagkunsumo ng tubig.
Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw araw para mapanatili ang magandang kalusugan ng katawan. Kinakailangan din na tama ang ating pagkunsumo ng tubig para mapanatili nating ang ating tubig sa katawan at para maiwasan ang mga pamamaga ng paa. Nakakatulong din ang pag-inom ng tubig sa pagtanggal ng mga kemikal sa ating katawan na dulot ng ating mga kinakain.
5. Cold Compress.
Ayon sa pag-aaral ang yelo ay nakakatulong sa paggamot ng mga pamamaga at pananakit ng ating katawan. Kumuha lang ng yelo, ilagay ito sa isang tela o twalya at ibalot sa namamagang paa. Gawin ito hanggat hindi nawawala ang mga pananakit at pamamaga ng paa.
6. Pasta na mula sa baking powder.
Kumuha lang ng bigas at dalawang kutsarang baking powder. Pakuluan ang bigas at ilagay ang baking powder, haluin at palamigin ito bago ilagay sa namamagang paa.
7. Eucalyptus foot bath.
Maglagay ng ilang patak ng eucalyptus sa isang plangganang my tubig at sabon bago ibabad ang paa ng mga 15 to 20 minuto, para sa magandang resulta pwede ding maglagay ng mga anti-imflammatory oil tulad ng chamomile at lavender. Ang mga langis na ito ay nagtataglay ng essential properties, pati narin ang maanghang anghang na amoy na dulot ng eucalyptus na mabisang panggamot sa mga pamamaga at sa mga pananakit na dulot nito.
8. Magnesium Supplements.
Ang magnesium ay isa sa mahahalagang mineral sa loob ng ating katawan na dahilan ng maayos na pagdaloy ng ating dugo. Alam naman natin na ang hindi maayos na pagdaloy ng dugo ay nagdudulot ng pamamaga ng ating paa. Uminom lng ng mga supplement na may 200 mg na magnesium dalawang beses sa loob ng isang araw o di kaya ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa magnesium tulad ng mani, mga buto, abokado, isda at mga gulay na may malalim na kulay ng berde.
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga pamamaga ng paa, sundin lang ang mga nabanggit na mga paraan at mga gamot para gamutin ito.
0 Mga Komento