Palagian ka bang pagod o nakararanas ng pagkahapo? Ang ating katawan ay nangangailangan ng wastong pahinga para sa napakaraming kadahilanan, lalo’t higit galing tayo sa mahabang kapaguran tulad ng trabaho, pag pasok sa eskuwela o di maiwasang puyat. Ang pangunahing paraan upang makabawi ay ang wastong tulog. Sapagka’t hindi lamang maganda sa kalusugan ng pangangatawan kundi pati sa ating mental. Ang pagtulog sa gabi ay nakakagawa ng maraming enerhiya sa katawan at wastong paggana ng ating utak.
Napakahalaga na makasanayan ang wastong pagtulog sapagkat napakalaking tulong nito para sa kabuuang aktibidad ng ating katawan, at ang isa sa pinaka madaling paraan ay ang makasanayan ang pagtulog ng walo hanggang sampung oras na tulog kada gabi ay isang bahagi na makatulong sa sirkulasyon ng ating pagtulog. Sa ganung paraan, ang kasanayan ng ating katawan na makatulog ng maayos ay may malaking tulong para lalong mapabuti ang ating kalusugan.
1. Sanayin natin sa umpisa na ang pagising araw-araw ng nasa tamang oras ay may malaking epekto sa kasanayan sa maayos na pagtulog. Malaking ang epekto ng iisang oras ng pagtulog o ang tinatawag na “circadian rythm” para mapasaayos ang ating metabolismo o panunaw at paggawa ng hormon ng ating katawan.
Panatilihin ang pagising sa umaga ng parehas sa oras at sanayin ang sarili ng hanggang labing-apat na sunod-sunod na araw hanggang sa masanay ang ating “body clock”, ang mga ito’y makokompromiso paminsan-minsan at mapupuyat subalit mas importante na masanay ang ating katawan sa ganung sistema.
2. Gaya ng sinasabi ng lahat, ang almusal daw ay ang pinakamahalagang pagkain sa loob ng isang araw o sa kasabihan unang karga ng bala sa armas pandigma, ay pinanggagalinagan ng kalakasang pang-katawan para sa buong maghapon ayon sa karaniwang mga tao.
Pero ayon sa pag aaral, ang pagkain sa umaga “almusal” ay patunay na may malaking epekto para mapadalas at mapasarap ang kalidad ng ating pagtulog, naiibigay kasi nito ang kaluguran o kasiyahan na nakasanayan na ng ating utak, kaya naman pinapanatili nito sa isang tao na kumalma tuwing kumakain. Marapat lamang na iwasan ang ganitong nakaugalian na kilala sa tawag na “caveman’s behavior’.
3. May malaking epekto rin ang nakasanayan estilo ng pagkain natin sa buong araw. Mas mainam na iwasan nating ang mga pagkaing may “carbohydrate” sapagkat malakas itong makahatak ng antok. Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla ng ating katawan kaya naiiwasan ang antok kabaligtaran sa “sugar rush” at mas madalas ay nakakaantok na na resulta kapag nakatapos nang kumain.
Ang “Kape” rin ay epektibo at malimit nating panabla sa antok, samantalang hanggang anim na oras lamang ang epekto ng kape sa ating katawan (caffein), kaya makakasisira lamang ito sa nararapat na oras ng pahinga na nakasanayan natin sa araw-araw.
4. Likas sa ating mga pinoy ang “siesta” na namana natin sa mga espanyol na ang ibig sabihin ay “idlip” na karaniwang nakasanayan matapos ang tanghalian, subalit ang pagtulog o “nap” ng mahabang oras sa isang araw ay may malaking epekto para sa ating normal na tulog sa gabi. Mainam na makasanayan lamang ito ng hindi lalagpas ng bente minutos hanggang sa manumbalik lamang ang lakas ng katawan.
5. Nakakaapekto rin sa ating “circadian rhythym” ang paglabas natin kung saan nalalantad tayo sa araw o natural na liwanag, dinidiktahan nito ang katawan na hindi mamahinga dahil maaga pa, kaya naman nabubulabog nito ang tamang oras ng ating pagtulog.
6. Makakatutulong din ang HINDI pagamit ng “gadgets” tatlumpung minuto bago matulog sapagkat ang asul na ilaw na nakikita sa mga “gadgets” ay hindi maganda sa kalusugan. Mas mabuti ang tsaa at iwasan ang kape sapagkat isa ito sa makakapagpahirap sa ating pagtulog. Mas mabuting din alamin natin ang mga bagay na may benepisyo sa ikabibilis ng sistema ng ating pagtulog.
7. Ang paulit ulit na tamang sistema ng pagtulog at tamang oras ng pagising araw- araw ay malaking gampanin para masunod ang tamang disiplina sa ating sarili. Hindi natin maiwasan na mag-“adjust” sa umpisa pero kung susubukan natin itong sanayin ng tama, hindi magtatagal ay matututo ring maisaaayos mismo ng sarili ang ating katawan.
8. Ang maayos na pag tulog sa gabi ay magiging resulta ng maayos na kapahingahan at kondisyon ng ating utak at katawan, subalit kapag ito naman ay ating naabuso, maaring magdulot naman ito panganib o seryosong kapahamakan sa ating kalusugan.
0 Mga Komento