Subscribe Us

Narito ang Magandang Benepisyong Hatid sa Ating Katawan ng Okra na Ibinabad sa Tubig Buong Gabi at Pag-inom nito Sa Umaga ng Wala pang Kinakain.

Kayo ba ay pamilyar sa okra o mahilig din ba kayong kumain nito? Ang okra ay madalas ihalo sa ibat-ibang klaseng lutung gulay pero hindi lahat ng tao sa mundo ay kumakain nito lalo na sa mga bata dahil sa kakaibang panlasa at pakiramdam kapag sinimulan mo ng nguyain ito. 
Ang Okra ay halamang bulaklak na kabilang sa gulay na kilala sa tawag “ladies fingers” at “bhindi” na may scientific name na “Abelmoschus esculentus”. Ito ay may malawak na benepisyo para sa ating kalusugan, Ito ay may napaka taas na antas ng nutrisyondahil mayaman ito sa Bitamina A, B, C, at K, pati narin sa calcium, magnesium, potassium, iron at zinc, ito rin ay may mataas na lebel ng “mucilaginous fiber”.


Kung tayo ay hindi magiging maselan at susubukan natin ang tamang paraan kung paano i-konsumo ang okra, tayo ay aani ng marami at mabuting benepisyo sa katawan. At isa sa pinakamahusay na paraan para makuha ang mga bagay na nakapagpapalusog ay ang pagbabad ng okra magdamag sa malinis na tubig, at habang wala pang laman ang tiyan sa umaga ay kainin ito at inumin ang tubig na pinagbabaran nito.
Kung ito’y posible nating magawa sa araw araw, narito ang mga mabubuting epekto nito sa ating kalusugan:

1. Nakapagpapalinaw ng mata.
Kung tayo ay may mataas na lebel ng nutrisyon na nanggagaling sa okra, mas mayroong tayong proteksyon sa ating paningin o pangontra sa katarata, sapagkat ang okra ay mayaman sa bitamina A, ito ay matinding panlaban o pang-balanse sa free radicals o tinatawag na “antioxidants” at may mga sangkap ito tulad ng beta carotenes, xanthein, at lutein. 
2. Makakatulong sa kalusugan ng balat at napapalakas ang resistensya.

Dahil sa pagpigil ng “Antioxidants” sa mga free radicals, binabalanse nito ang posibleng pinsala ng ating balat, pinabibilis din nito ang paghilom ng sugat o gasgas, inaalis nito ang mga kulubot at pinakikinis, pinipigilan din ang pagdami ng taghiyawat. Dahil dito, napapataas ang iyong posibilidad na malabanan ang anumang sakit. Ang iyong katawan ay magkakaroon ng mataas na bitamina C na siyang nakapagpapalakas ng resistensya at napaparami nito ang produksiyon ng puting dugo. Ang ganitong klase ng dugo ang siyang lumalaban sa mga bagay at “pathogens” na makaaapekto sa atin.
3. Maayos na panunaw.

Ang “Mucilaginous fiber” na matatagpuan sa Okra ay may malaking tulong para itulak ang anumang mga nakonsumo nating pagkain sa ating bituka, sa ganoong proseso ay mapapabuti at mapapaayos ang ating panunaw. Kapag tayo ay palagiang kumakain ng okra maraming “fiber” ang idinadagdag nito sa ating katawan kung saan magiging regular na ating pagdumi, at kagandahan dito ay mababawasan o makaiiwas tayo sa anumang usaping sakit tungkol sa tyan tulad ng paglobo ng tiyan “bloating”, paninigas, hirap sa pagdumi at kabag. 
4. Kalusugan ng puso at maayos na presyon ng dugo.

Ang okra ay puno ng iba’t ibang mineral at bitamina katulad ng “potassium” na malaki ang nagagawa sa ating katawan upang mabalanse kung anumang likdo mayroon ito kaakibat sin ang pagbalanse sa antas ng “sodium”. Ang mga ito ang siyang dahilan upang maging “relax” ang malalaking ugat sa ating katawan kung saan nakaaapekto sa presyon ng ating dugo. Sa gayon, ito ay mahalaga sa kabuuan ng sistemang pangsirkulasyon. Naiiwasan rin nito ang anumang pamumuo lalo na ng dugo at pamamaga sa iba’t ibang parte sa ating katawan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento