Subscribe Us

Narito Pala ang Limang Benepisyong Nabibigay ng Avocado.

Paborito mo ba ang “avocado”? Isa sa klase ng prutas na pinakagusto ng nakararaming indibidwal ay ang abokado. Kung sa iba hindi nila nagugustuhan ang lasa nito. Ang prutas na abokado ay katutubo sa bansang Mexico tanyag sa pangalang “Alligator Pear” at tinatawag itong “Persea americana” bilang pangalang siyentipiko. Ito rin ay nabibilang sa mga namumulaklak na halaman. 
Ang bunga nito ay kulay berde o ube na may laman na mas maliwanag sa pagkaberde at may isang malaking buto sa gitna. Ang puno nito ay lumalaki hanggang anim na talampakan at karaniwang nahihinog ang bunga sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo pagkatapos anihin. Ilan din sa mga pag-aaral napatunayan na ang halamang ito ay natagpuan sa bansang Peru 8,000 hanggang 15, 000 taon na ang nakararaan. Ito ay kabilang sa pamilya ng “Camphor” at “Cinnamon” na siyang bungang kahoy rin.


Ang pagkain ng abokado ay maraming magagawa sa ating kalusugan. Puno ito ng mga bitamina at mineral na malaki ang ating magiging pakinabang upang tayo ay lumakas at sumigla. 

Tingnan natin ang ilan sa mga benepisyo nito:
 1. Ang sangkap na “Oleic Acid” ay matatagpuan sa mga abokado na siyang tumutulong sa pagiging aktibo ng mga “cells” ng kanser. Karaniwang naiiwasan ang pagkakaroon ng “Prostate Cancer” at napabababa ang “oral cancer cells”.
2. Ang abokado ay sagana sa “Lutein” na nakapagpapalinaw ng paningin at naiiwasan ang pagkakaroon ng katarata o sakit sa mata tulad ng “Macular Degeneration”.
3. Ang prutas na ito ay puno ng mineral tulad ng calcium, sodium, potassium, zinc at magnesium. Ito rin ay mayaman sa bitamina gaya ng E, C, K, at B na malaki ang nagagawa sa pagpapaganda ng kalusugan ng ating mga balat. Ang langis na gawa at galing sa abokado ay ipinapahid sa balat at isa rin itong lunas upang maiwasan ang mga sakit, halimbawa na ang pagkakaroon ng “Psoriasis”.
4. Ang abokado ay “fiber-enriched” na malaki ang gampanin sa pagtunaw ng iyong mga nakakain at nagagawa nitong mapabilis ang pagdaloy nito sa iyong bituka. Kaya naman ang pagbaba sa timbang at pagbaba ng asukal sa katawan at maaari rin mapansin.
5. Isa sa pinakamahalagang kakayahan ng abokado ay mapanatili ang kalusugan ng ating mga puso. Mayroon itong “lycopene” at “beta-carotene” na mabuti sa iyong puso. Ang pagkain rin nito ay nagdadala satin sa pag-iwas sa anumang malubhang sakit “cardiovascular”. Ang abokado ay may sangkap din an “beta-sitosterol” na siyang pumipigil sa pagkakaroon ng bara sa mga ugat na daluyan ng ating mga dugo.
Ugaliin na kumain ng mga prutas at gulay at isama ito sa ating almusal, tanghalian, meryenda, o hapunan man. Sana’y malaki ang naitulong ng artikulong ito upang maibahagi natin ang dagdag na kaalaman sa ating mga kaibigan at kakilala.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento