Isa sa pinaka nakakasabik at madalas ay pinaghahandaan ng husto sa yugto ng buhay mag-asawa ay ang pagkakaroon ng anak. At hindi lahat ng mag asawa ay mabilis na nabibiyaan ng anak, ang iba ay umaabot ng taon- taong paghihintay, at nakakalungkot ang iba ay walang naging anak. Ayon sa pag aaral ng ibang mga espesyalista sa pagbubuntis ay mayroong mga tip na bihira lamang nating marinig.
Ang mga sumusunod ay ang dapat niyong sundin upang mabuntis:
1. Hindi kinakailangan araw-araw.
Sa pagkakaalam natin ang madalas o regular araw-araw na pakikipagtalik ay may mataas na tyansa para mabuntis. Subalit ayon sa propesor ng “obstetrics at “gynecology” na si Paula Amato na mas magandang nasa period ng ovulation ang pagsagawa nito. Nangyayari ito labing apat na araw bago ang sumunod na buwanang dalaw ng isang babae. Mas mainam din na komunsulta sa inyo mismong OB-GYNE para malaman ng maayos ang tungkol dito.
2. Hindi rin nangangahulugang limitahan ang pakikipagtalik.
Araw-araw man o may laktaw ang inyong pagtatalik ay hindi nangangahulugang hihina ang sperm at mawawalang ng kakayahang makabuo kundi depende parin ito sa kundisyon ng inyong pagtatalik, Hindi rin tama na paniwalaan ang kasabihang kailangang maghintay ng matagal ang isang lalaki para lumapot tamod “sperm cell”. Ang pagiging puro ng “sperm” ang pinaka importante hindi ang dami nito ayon sa expertong si David Ryley.
3. Makakatulong ang paggamit ng “Mineral Oil Lubricants”.
Na ayon kay Kelly Pagidas isang eksperto ay makaka tulong sa maayos na pagdaloy ng sperm hanggang animnapung porsiyento, kaya naman mas mataas ang pagkakaroon ng posibilidad na mabuntis.
4. Piliin ang maayos na pagkain.
Ang pagpili sa pinakamainam na pagkaing nababagay sa kondisyon mo bilang paghahanda sa pagbubuntis. Mas mabuti na malaman natin ang body mass index (IBM), ibig sabihin dapat tayo ay may tamang kamalayan pagdating sa ating timbang, mainam na nasa pagitan lamang 18.5 at 25 na BMI, sapagkat ang sobrang taas o sobrang baba ng timbang ay may malaking epekto para sa pagbubuntis.
Subalit wag namang mawalan ng pag- asa kung kayo ay may ganong kondisyon ng pangangatawan basta ang importante ay alam ng inyong espesyalista ang kung ano ang nararapat para sa inyong katawan.
Hindi lamang ang isa lang sa mag-partner kundi nararapat din na bantayan natin ang “diet” ng ating kabiyak, sapagkat ang pagiging labis ang timbang lalo na sa mga lalaki ay may malaking epekto para bumaba ang “testosterone” o “sperm function”. Kaya habang nagpapakondisyon, marapat lamang na panatilihin ang masusustansiyang pagkain at tamang ehersisyo.
5. Limitahan o mas magandang iwasan ang paggamit ng “social media” lalo na ang Facebook bago matulog.
Isa na dito ang “disrupted pattern ng pagtulog” na may matinding epekto sa ating “melatonin at cortisol level” dahil sa di-maayos na pahinga kaya nababawasan ang pag paggawa at pagpapadami ng “sperm cells”.
Mas mainam daw ang pagbabasa ng libro o pakikipagkwentuhan sa inyong partner bago matulog kung talagang gusto nating makondisyon ang ating sarili sa paggawa ng anak.
6. Makakatulong ang pagiging kalmado.
Minsan ang pagmamadali, pagiging atat at kawalan ng pasensya ang nagpapahamak sa atin sa paghahanda ng pagkakaroon ng anak, nakakaapekto ang palagiang testing kung tayo ay buntis sa pamamagitan ng “Pregnancy test”.
Mas nakabubuting aminin ang lahat ng sitwasyon sa iyong preparasyon bilang paghahanda, sabihin ang lahat sa inyong espesyalista, at kung sakaling gagamit ng test ay makabubuti ang masisinsinang pag-uusap ng kalmado at hindi masyadong haluan ng pagkasabik para mas madaling maintindihan kung anuman ang maging resulta o sitwasyon.
0 Mga Komento