Ikaw ba ay palagiang nakararanas ng pagkahilo? Ano kaya ang dahilan nito? Sa artikulong ito, magkakaroon tayo ng sapat na kaalaman kung ano ang pinagmumulan ng iyong pagkahilo. Karamihan sa atin ay may mga panahon na biglaan na lang na umiikot ang paningin at kung minsan ay nawawalan pa ng balanse. Sa iba, ang pag-ikot ng paligid naman ang nararanasan.
Ang paulit- ulit na pagkahilo o ang maranasan ito lalo na sa di-maipaliwanag na dahilan ay dapat na tayong magbigay ng atensyon at kumunsulta na sa doktor. Maaaring ikaw ay dumaranas na ng tinatawag na “Vertigo” o “Benign Paroxysmal Positional Vertigo o BPPV”.
Ang BPPV o vertigo ay karaniwang nauugnay sa hindi maayos na tungkulin ng iyong tainga. Ating makikita sa pinakaloob ng tainga, sa gitnang loob nito ay kung saan naroon ang nagbabalanse sa ating katawan. Kapag ang pinakaloob na ito ay hindi naging maayos, ito ay nagsasanhi na ng pagkahilo, pakiramdam na umiikot ang paligid, at kalaunan ay maaari rin mangyari ang pagsusuka, labis na pagpapawis at kadalasan ay malamig at pagkaduwal.
Ang pagpunta sa mga doktor o espesyalista ay ang mas magandang paraan upang matukoy ng detalyado ng pinagmumulan ng mga pagkahilong ito. Ang kondisyong ito ay maaari rin naman na walang gamutan dahil sa kakayahan ng ating utak na magtiwala sa likas na mkanismong mekanikal ng katawan at mag-adjust rito.
Ang mga sumusunod ay ilan sa dapat nating gawin upang maiwasan ang vertigo:
1. GINGKO BILOBA
Isang mabisang panlaban sa kanser ngunit isa rin na malaki ang maitutulong sa pagsugpo ng pagkakaroon ng vertigo at nakapagpapaganda sa pagdaloy ng dugo.
2. BITAMINA D
Kakulangan sa bitamina D ay nagdudulot ng pagkahilo kaya’t iminumungkahi ang hustong paggamit ng mga bitamina na kailangan ng ating katawan.
3. LUYA.
Napakahalagang sangkap ang luya bilang pantanggal sa hilo at pag-ikot ng iyong paningin. Maaaring gumawa ng tsaa o ngumuya gamit ang luya upang makaiwas sa pagkakaroon ng vertigo.
4. EHERSISYONG SEMONT THERAPEUTIC.
Ang prosesong ito ay hindi kadalasang ginagawa sapagkat nangangailangan ito ng patnubay ng isang espesyalista o “therapist” upang maisagawa ito ng maayos. Ang ganitong uri ng ehersisyo ay natutulad sa “Epley Maneuver”.
5. EHERSISYONG “BRANDT-DAROOF THERAPEUTIC”.
Ang prosesong ito ang karaniwang ginagamit upang maging maayos ang kalagayan ng isang taong may vertigo. Ito ay sa paraang pinauupo ang pasyent at kalauna’y pinahihiga kung saan may apektadong parte ng tainga.
Hinahayaan sa ganitong posisyon sa loob ng tatlumpung minuto hanggang unti-unti mawala ang mga sintomas. Ibinabalik sa posisyong nakaupo at ulitin sa kabilang parte.Ang mga paraang ito ay ginagawa ng paulit- ulit o pinakamababa sa dalawang beses sa isang araw
6. PAG-INOM NG SAPAT NA DAMI NG TUBIG.
Isa sa pinakamahalaga na dapat nating gawin ay mapanatili ang dami ng tubig sa ating katawan. Isang sanhi ng pagkahilo ay ang kakulangan nito. Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig sa loob ng isang araw at tiyak ka ng makakaiwas sa vertigo o kahit simpleng pagkahilo.
0 Mga Komento