Ikaw ba ay kabilang sa mga taong “conscious” sa kanilang mga kalusugan? Kung ikaw ay kabilang ay isa ka sa mga masusuwerte na napapanatili ang kagandahan ng iyong katawan kasabay ng kalusugan nito. Ang ganitong perspektibo sa buhay ay magiging kapaki-pakinabang hanggang sa iyong pagtanda.
Simula sa maliit na bagay na iyong gagawin para sa iyong kalusugan ay mahalaga at iyong tataglayin sa mahabang panahon na siyang lingid sa kaalaman ng nakararami.Sa ngayon, ilan sa kadalasan nating ginagawa ay may masamang epekto sa ating katawan kaya naman minarapat naming isulat ang artikulong ito para makaiwas sa pagkakasakit.
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang ating ginagawa na nakaaapekto napala ng lubusan sa atin:
1. Pagbili sa mga hindi nakabubusog at nakalulusog na pagkain.
Ilan sa mga ito ang mga “chichiria”, mga biskwit, at mga “chips”. Dapat nating iwasan ang ilan sa mga pagkaing ito lalo na ang pagbili sapagkat ito ang maaaring mag-udyok sa atin upang malulong at mahantong sa pagkakasakit. Palagiang kumain ng gulay at prutas at sanayin ang sarili sa ganitong uri ng pamumuhay.
2. Ang pagkain sa hindi tamang oras at paglalaktaw nito.
Magbabag ang iyong metabolismo kung ikaw ay magbabago sa sistema ng oras ng iyong pagkain. Dapat nating sundin at magkaroon na regular na oras ng umagahan, tanghalian, meryenda, at hapunan. Ang paglalaktaw rito ay maaaring magiging dahilan ng iyong pagtaba dahil sa hindi balanseng dami ng pagkonsumo ng pagkain.
3. Pagkonsumo ng mga organiko at natural na pagkain.
Ang pagbili sa mga naka-de latang pagkain o mga prineserba ay mas malaki ang panganib at posibilidad na madalas na pagkakasakit. Dapat tayong kumain ng mga prutas at gulay lalo na mga aning organiko o hindi naaplayan ng mga “spray” o pesticides. Mas maganda ang maidudulot nito sa paglakas ng ating katawan at lumaban sa iba’t ibang uri ng sakit.
4. Ang pag-upo sa mahabang oras.
Maikukumpara ang pag-upo ng matagal o mahabang oras sa bisyo sa paninigarilyo . Ang gawaing ito ay isang patunay na hindi pagiging aktibo ng iyong katawan at marami itong kaakibat na panganib kung magpapatuloy ito. Kung ikaw ay isang empleyado na nauubos ang walong oras sa pag-uupo, dapat kang gumawa ng hakbang upang kahit papano ay makagalaw-galaw at sanaying makapaglakad lakad kahit sandali ay malaki ang maitutulong sa mga nangangalay nating paa at braso.
5. Mabilis na pagtapos sa iyong pagkain.
Kung ating susumahin, ang pagkain ng mabilis ay isang senyales na tayo ay maaaring tumimbang ng mabigat sapagkat hindi sapat ang pag-nguya o pagdurog sa mga sinusubong pagkain. Ayon din sa isang pag-aaral, ang mga taong mababagal kumain ay kumukunsumo lamang ng ikatlong parte ng kinakain ng mga taong mabibilis sumubo at kumain. Huwag ugaliin ang ganito.
6. Ang pagpapapayat sa maling paraan.
Sa panahon ngayon, napakarami nang lumalabas na klase ng mga produktong pampayat. Ang pagdedesisyong ng pagpapababa ng timbang ay nangangailangan ng masusing pag-aaral at sapat na payo ng mga kinauukulan tulad ng mga doktor. Maaaring nating maiwaksi ang pag-aalis ng mga mabubuting elemento o sangkap na nakakapagpapalusog kaya’t nararapat na kumunsulta muna tayo sa mga eksperto.
7. Estratehiya sa pagpapaginhawa ng pakiramdam.
Kung ikaw ay isang abalang tao at palaging tambak ang trabaho, kailangan mong gumawa ng paraan upang maialis ang mga naramadamang “stress” sa loob ng iyong isang araw. Kapag ikaw ay napapagod sa iba’t ibang gawai at naii-stress ang lebel ng iyong “cortisol” sa katawan ay tumataas na siyang nakapagpapahina ng iyong resistensya at kalauna’y paghina ng katawan laban sa matitinding uri ng sakit.
Ilan sa mga suhestiyon na iyong pwedeng gawin ay ang paglabas at paglanghap ng sariwang hangin, pakikinig sa mga uri ng musika na gusto mo, pagkokonsentreyt tulad ng yoga. Patnubayang mabuti ang pagsasagawa ng mga papeles at lahat ng may kauganayan sa trabaho at huwag masyadong maglaan ng panahon na makakaubos ng iyong oras na pinagmumulan ng kakulangan mo rin sa pagtulog.
8. Hindi maayos na oras ng pagtulog.
Ang kakulangan sa sapat na oras ng tulog ay malaki ang epekto sa iyong katawan. Napatunayan na ang mga taong kulang sa tulog o iba-iba ang oras ng tulog ay mas mahihina ang katawan sa paglaban sa mga sakit. Halos malaki rin ang pagkakahawig nito sa mga taong mataas ang antas ng “stress”.
Sa panahon ngayon, ang mga trabahong nakaaapekto sa oras at tagal ng pagtulog tulad ng pagpasok sa “Call Center Industry”, sa mga opisina na nagpapatupad ng OT o “overtime”, at kung anu pang may kaugnayan rito ay may mas mataas na posibilidad na bumigat ang timbang at katagalan ay katabaan na.
Ang resulta ito ang siyang pinagmumulan ng iba’t ibang mas malubhang karamdaman.
Ang mga impormasyong ito ay malaki ang maitutulong sa ating kamalayan upang maiwasan nang gawin ang mga ganitong bagay at hindi na makaranas at maka-engkwentro ng biglaang sakit. Tayo ay dapat maging maingat higit sa lahat sa ating kalusugan. Mamuhay ng tama, malusog at masaya…Ating ibahagi ito sa ating pamilya at mga kakilala.
0 Mga Komento