Subscribe Us

Ito ang mga Dapat niyong Inumin Kung Gusto niyong Mawala ang Inyong Naglalakihang Bil-Bil. Ito ay mga Natural Lang na Inumin na Maganda sa Ating Katawan.

Ikaw ba ay may tipo ng katawan na payat, maliit o balingkinitan? Sa panahon ngayon ay yan ang hinahangaan ng karamihan o sabihin na nating may mas nakakararami ang nagkakagusto sa mga taong may ganitong pangangatawan. At kung sa kabaligtaran naman at ikaw ay isa sa mabibilog at matitimbang na tao, ang pagtingin sa iyo ng kapaligiran ay may halong paghuhusga. 
Sa ganitong kadahilanan, ang karamihan ay nagkakaroon sa kanila ng hamon upang umpisahan ang pagpapapayat o pagbabawas ng timbang. Isa pa, ito ang isang resulta upang maging maayos at maganda ang pagtanggap sa kanilang itsura at hubog ng nakararami. Ito rin ay nagdudulot upang maging aktibo sa pang-araw araw na gawain kakaiba sa karaniwan at gumawa ng panibagong paraan kung saan malusog at masaya ang pamumuhay.


Sa artikulong ito, ating malalaman upang makatulong sa ating na magbawas ng timbang gamit ang mga natural na paraan. Malaki ang magagawa ng regular na pag-eehersisyo lalo na kung gusto mong lumiit ang parte ng iyong tyan lalo na ang pagkain ng mga masusustansyang prutas at gulay na mabilis na nakakasunog ng mga taba sa katawan. Sa pagpapatuloy mo ng pagbabasa, malalaman natin ang ilan sa mga maaaring inumin na mabisa sa pag-aalis ng taba sa ating katawan at kung malaon ay makita mo na ang iyong sarili katulad na ng mga indibidwal na hinahangaan.
TSAA NA HINALUAN NG LUYA
Marami ang pakinabang ng tsaa sa ating buhay at malaki ang nagagawa ng pag-inom nito na may kaugnayan sa ating panunaw. Mabilis nitong naiaalis ang mga taba sa ating mga bituka at nailalabas ito agad sa katawan. Ikaw ay lalong mamangha kung ang tsaa na iyong iniinom ay hahaluan ng luya upang ang maging kalabasan nito ay mas malusog at bawas-tabang iumin.
Preparasyon:
Magbalat at maghiwa ng isang pulgada ng luya at ihalo sa pinakuluang isang baso ng tubig, ilagay ang bag ng tsaa at hayaan itong kumulo sa loob ng limang minuto at pagkadagdag ng tsaa ay pakuluan pa ng karagdagang tatlong minuto. Kung nais ng tamis maaaring maghalo ng pulot o hani sa ginawang timpla. Pwede rin itong gawin sa malamig na paraan sa paglalagay ng yelo sa ginawang inumin at handa na ang iyong luya at tsaang timplang pampapayat.
“BLUEBERRY-CARROT SHAKE”
Isang pinakamabisang paraan ng pagiging malusog ay ang regular na pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa panlaban sa mga sakit at nakapagpapalakas ng ating mga resistensya. Ang ilan ay gumagamit ng “yogurt” o mga “non-fat” na uri ng gatas sa paghalo sa ibat’ibang prutas at pagkain. Tara na at magtimpla.
Preparasyon:
Paghalu-haluin ang isang basong “non-fat ” na gatas o “yogurt”, isang piraso ng binalatang karots na hiniwa-hiniwa ng katamtamang laki, at kalahating parte ng prutas na nais o mas mainam ang paglagay ng “blueberry”. Maglagay din ng hanggang dalawang kutsarang “oats” upang lalong maging nakakalusog na inumin ito. Ang lahat ng sangkap na ito ay maaaring ilagay sa blender mapino at lumapot ang timpla. Kung nais ng pamapatamis magdagdag ng sapat na dami ng hani o katas ng pulot-pukyutan. Maaari ring gawin ang prosesong ito kasama pa ng ibang prutas na mayaman sa bitamina A, C at E.
“ROSEMARY at GRAPEFRUIT COMBI DRINK”
Kung pagsasamahin ang dalawang sangkap na ito ay isang magandang nakapagpapayat na resulta ang makakamit mo sa pag inom ng timplang ito. Ang grapefruit ay may mataas na antas ng bitamina C at may kakayahang makapagpalakas ng resistensya ng iyong katawan, inilalabas din nito ang mga nakalalasong produkto at nagpapababa ng lebel ng masasamang uri ng taba habang ang “rosemary” naman ay pinawawalang bisa nito ang mga lason sa iyong atay, nakakatulong sa iyong panunaw at sa daloy ng iyong dugo sa kabuuan ng iyong katawan.
Preparasyon:
Magpakulo ng isang basong tubig na nilagyan ng isang kutsaritang tuyong dahon ng rosemary sa loob ng limang minuto at hayaan lamang ang pagkulo nito saka dagdagan ng sapat na dami ng katas ng “grapefruit”. Maaari rin itong patamisin gamit ang “honey” at handa na isang inuming makapagpapapayat.
TIMPLA NG INUMING LUYA AT PIPINO
Ang mga gulay na ito kilala sa ilan sa pinakamabisang ginagamit sa larangan ng paggagamot. Ang pipino ay may sangkap na lumalaban sa mga toksiko ng ating katawan, naiiwasan ang pamamaga at kung anu-ano pang sakit na maaaring magdulot ng kanser samantalang ang luya naman ay kilala na simula pa noong unang panahon at gingamit ng karamihan dahil ito ay nakapagpapalakas ng iyong resistensya at ang patuloy napagkonsumo nito ay nakakagaan sa mabigat na daloy ng pagkain sa ating mga bituka at naiiwasan ang kaakibat na sakit sa ganitong parte ng katawan.
Preparasyon:
Katulad nang sa mga naunang paghahanda, magpakulo rin ng tubig na may manipis na hiwa-hiwang luya sa loob ng hanggang limang minuto, idagdag ang pipino. Maaari ito inumin ng maligamgam o gawin itong malamig sa pamamagitan ng paglalagay ng yelo sa timpla. Kung nais din mapatamis ay magdagdag ng natural na pampatamis na “hani” kaysa sa asukal.
“LUYA AT LEMON MIX DRINK”
Ito ay isa sa kamangha-manghang paraan na paggawa ng timpla kung saan mga simpleng sangkap lamang at makikita agad sa ating mga kusina o madaling mabibili sa merkado. Nakakagulat na ang mga ganito ay mabisa sa pagpapababa ng ating timbang.
Preparasyon:
Regular na uminom ng timplang ito gawa sa isang basong tubig na kinatasan ng kalahating parte ng lemon at paghahalo ng ginadgad na tamang laki na piraso ng luya. Ang mga ito ay nakapgsasaayos ng pagdaloy at pagtunaw sa pagkain sa iyong mga bituka. Ugaliing uminom nito tuwing umaga bago kumain at magugulat sa resulta sa pagpapatuloy ng pag-inom rito.Walang masama kung ating susubukan at maging parte ng ating pang-araw-araw ang mga agnitong klase ng inumin. At kung sa paglaon ay makakamit naman natin isang panibagong pagbabago at lalong paglusog ng ating katawan. Ibahagi rin ito sa ating mga kakilala at kaibigan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento