Ikaw ba ay kabilang sa karamihan ngayon na may altapresyon o “HYPERTENSION”? Ang kondisyong medikal na ito ay karaniwang pang habang buhay na kapag ikaw ay nasuri na may ganitong kalagayan. Ito rin ay sakit na kilala sa tawag na “HIGH BLOOD PRESSURE” kung saan mas nangangailangang magtrabaho ang ating puso upang maikalat nito ang dugo sa buo nating katawan na siyang kailangan nito. Ikaw ay may ganitong kondisyon kung ang karaniwan mong “blood pressure” ay umaabot sa 140/90 mmHg.
Ang sakit na ito ay karaniwang walang sintomas at hindi makikita agad agad lalo na kung walang regular na pagpapatingin sa mga doktor. Ito rin ay maaaring maging sanhi ng pagsakit ng dibdib at may kaugnayan dito, pagiging makakalimutin, balanse sa katawan o kaugnayan ng isipan sa pagkilos ng katawan, at sakit sa bato.
Marami na ngayong lumalabas na iba’t ibang klase ng gamot sa merkado na maaari nating inumin bilang panlaban o pagmementina ng ating altapresyon at siyang inireresta ng mga doktor. Ngunit kung ilan ay hindi magiging angkop sa kalusugan mo ay maaari kang makaranas ng pagkahilo, pagsusuka, insomia at pamumulikat. Ang nakakabubuti pa rin at dapat nating gawin ay magkaroon ng kamalayan sa mga pagkain na ating kinokonsumo sa araw-araw at pagkakaroon ng malusog na pangangatawan upang maiwasan sa tiyak na gastos.
Ang sumusunod ay makadaragdag ng ating kaalaman ukol sa mga lunas na maaari nating gawin upang makaiwas sa mga ganitong sakit:
Mga Sangkap:
- ACV o Apple Cider Vinegar
- 1/8 na kutsaritang Baking Soda
- Tubig
Paghahanda:
Ang baking soda ay kilala sa napakaraming naidudulot nito na mabuti hindi lang sa loob ng ating tahanan kundi sa ating katawan na rin. At ang isa pang maaaring ihalo rito ay ang ACV o Apple Cider Vinegar, isang uri ng masustansyang suka kung saan mayroon itong “magnesium” at “potassium” na may kakayahang makapagpababa ng ating presyon.
Paghaluin lamang ang nais na sangkap at timplahin at inumin ito ng dalawang beses sa loob ng isang araw kung nais ng mas magandang resulta.
BAWANG
Ang pagkonsumo ng bawang ay isa na ngayon sa karaniwang paraan upang makapagpababa ng altapresyon. Ginagamit na ito ngayon ng karamihan bilang alternatibo sa mga gamot na ibinibigay ng doktor lalo na ang mga nakatira sa rural na lugar. Ang bawang ay may sangkap na “diallyl trsulfide” na siyang tumutulong makapagpababa ng dugo at nagagawa rin nitong maialis ang mga toksiko at “bad” kolesterol sa katawan.
Ang bawang ay karaniwang kinokonsumo ng hilaw at ikaw ay marapat na kumain ng dalawa hanggang apat na piraso nito sa umaga bago kumain o sa hapon bago matulog uoang makamit ang nais na pagbaba sa iyong dugo.
LEMON
Ang pagbabad ng mga hiwa ng lemon sa tubig at pagkonsumo nito sa araw-araw bilang pamalit sa tubig inumin ay malaki ang naitutulong sa pagbaba ng altapresyon. Mas mabisa din ito kung iinumin sa umaga habang wala pang laman ang tiyan ngunit ang mga indibidwal na “acidic” o hindi sanay sa maasim ay maaaring iwasan ang pag inom nito.
0 Mga Komento