Pipino, ay isa sa pinakakilalang gulay na makikta natin sa panahon ngayon. Kung ikaw ay mahilig kumain ng kwek-kwek o itlog ng pugo, mga ihaw-ihaw tulad ng barbeque, adidas (inihaw na paa ng manok) at kung anu-ano pa. Karaniwan nating mapapansin ang mga hiniwang pipino sa sawsawan.
Sa kabila nito, ang pipino ay may masustansyang sangkap at malaki ang nagagawa u pang tayo ay ma-“rehydrate” sapagkat ito ay may mataas na antas ng “electrolytes”. Sa patuloy mong pagbabasa ng artikulong ito, malalaman natin ang ilan sa kakayahan ng pipino para sa ating kabutihan ng ating kalusugan.
Isa ang Pilipinas sa buong mundo na makikitaan ng taniman ng mga pipino sapagkat ito ay tumutubo sa mga tropikal na lugar. Ito ay isang uri ng halaman na gumagapang, malaman, mahaba at may berdeng bunga. Ang bunga nito ay malutong na maaaring kainin pati ang mga buto nito lalo na kung ito ay mura pa.Ang pipino rin ay inaani sa loob ng isang taon at mabibili sa mga pamilihan.
Narito ang ilan sa mga impormasyon na ating malalaman upang tayo ay marapat na kumain ng masustansyang pagkain na ito:
1. Kapag ikaw ay ngumuya ng pipino, nakakatulong ito sa iyong mga gilagid, sa pamamaga at may kaakibat na makapagpabango ng iyong hininga gawa ng likido nito.
2. Ito ay nakakatulong sa ating balat na ma-rehydrate o mabalanse ang antas ng tubig sa ating katawan. Isang paraan sa pagkinis at paglusog ng ating kutis.
3. Ang pipino ay may sangkap na asupre na siyang nakakatulong sa pagganda ng ating buhok at mga kuko. Maaabot ang ninanais na kintab ng buhok at malusog na mga kuko kung palagiang kakain nito.
4. Ang paglalagay ng hiniwang pipino sa mga mata ay nakakalamig ng pakiramdam at nakakabawas ng pangingitim sa paligid nito.
5. Nababawasan din ang antas ng “uric acid” sa ating katawan kung tayo ay regular na kakain ng pipino at malaki ang magagawa nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato.
6. Kung ikaw ay nagpaplanong magpapayat, ang pagkain ng pipino ay isang mabisang paraan ng pagbabawas ng timbang sapagkat may mababang antas ito ng calorie at mataas na antas ng tubig upang makaramdam ng kabusugan. Naiiwasan rin ang pagkakaroon ng konstipasyon o hirap sa pagdumi.
7. Dahil na rin sa mataas na antas ng tubig sa gulay na ito, maaaring mabawasan ang sakit ng iyong ulo o ang dala na rin ng labis na pag-inom ng alak.Mas mainam ang pagkain nito habang uniinom ng alak o pagkatapos upang ikaw ay ma-rehydrate.
8. Mainam ang pagkain ng pipino sa mga taong may altapresyon, diabetes o mataas na antas ng kolesterol sapagkat ito ay may sangkap na “magnesium”, “potassium” at mga “fiber” na mahalaga sa pag-iwas sa mga ganitong kondisyon. Ang isa sa mahalagang sangkap ng pipino ay may kakayahang makakapagpalabas ng sapat na insulin na kailangan ng ating katawan.
9. Ang isang sariwang pipino ay naglalaman ng syamnapung porsyento ng tubig kaya napakalaki ng nagagawa nito upang tayo ma-rehydrate at magkaroon ng maayos at malusog na kutis. Ito rin ay isa sa maaaring kumontrol sa “acidity” ng ating katawan at nakakatulong sa mabilis na paggaling ng mga nasunog na parte ng balat sa araw.
10. Ang pagkain ng regular ng pipino ay isang napakahalagang paraan panlaban sa kanser tulad ng kanser sa dibdib, obaryo, “prostate” sa mga kalalakihan at matres sa mga kababaihan.
11. Ang “silicon” na matatagpuan sa pipino ay mabisang panalaban sa rayuma, nakapagpapatibay ng mga sugpungan sa ating katawan, “gout” o isang kondisyon na pagsakit ng parte ng ating mga paa gawa ng mataas na timbang.
12. Mga bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan ay makukuha rin sa pagkain ng sariwang pipino. Ilan rito ay ang magnesium, potassium, silicon, bitamina A, B, at C para tayo ay magkaroon ng mataas na resitensya laban sa anumang sakit.
Ang pipino ay isa sa masarap na uri ng gulay na kinakain ng karamihan at napakarami nitong naidudulot na mabuti sa ating kalusugan. Ito rin ay masustansya at pang-iwas sa iba’t ibang klase ng sakit. Isa pa, ito rin ay inilalagay sa mga palaman, mga salad, at gawing juice at “appetizers” o pamapagana. Tayo na at mag-umpisang bumili at ugaliing kumain ng pipino sa araw-araw.
0 Mga Komento