Napakaraming bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa mga benepisyo ng langis ng niyog hindi lang sa pang-araw araw nating gawain kundi sa ating kalusugan na rin. Ang langis ng niyog ay ginagamit ng ating mga ninuno simula pa noong unang panahon kaya naman hindi na lingid sa henerasyon ngayon ang kabutihang dulot nito.
Napakalaki ng pakinabang ng langis na kamangha-mangha ang nagiging resulta nito lalo sa paggamit sa maayos na paraan at naaayon.
Ang langis ng niyog ay walang anuman kemikal na matatagpuan rito kaya’t isa ito sa pinaka-nirerekomenda na ikonsumo. Sa lahat ng larangan ay napatunayan na maaaring gamitin ang langis ng niyog tulad ng, sa mga pampagandang produkto, benepisyo nito sa katawan gaya ng pagiging kaaya-aya ng ating mga balat, buhok, at para na rin sa kabuuan ng ating kalusugan.
Nakatutulong din ang langis na ito na labanan ang pagkukulubot ng ating mga balat na nakapagpapabilis ng pagtanda ng ating itsura. Malaki rin ang nagagawa ng langis ng niyog sa pag-ampat ng pamamaga at isa ito sa maaaring makalinis ng ating katawan na gawa ng kung anu-anong bakterya at mapadali ang paggaling anumang uri ng sugat.
ANG MGA SUMUSUNOD AY ILAN SA MGA KAMANGHA-MANGHANG DULOT NG PAGGAMIT NG LANGIS NG NIYOG:
Ating malalaman kung paano gamitin ang langis ng niyog at kung saan tayo rin ay mapapanatili ang kalusugan ng ating pangangatawan, halina’t ating basahin.
1. Ang langis ng niyog ay malaki ang nagagawa sa pagbagal ng pagtanda ng ating itsura at naiialis din nito ang mga mantsa na nagmamarka sa ating mga kutis. Mag-apply ng sapat na dami ng langis sa mukha bago matulog upang makamit ang magandang resulta.
2. Kung ikaw ay isang uri ng indibidwal na abala katulad ng pagiging isang estudyante, abalang nanay, o isang empleyado at nakakapansin ka na ng markang nangingitim sa ilalim ng iyong mga mata dala ng iyong kaabalahan o stress na rin. Maaari kang mag-apply ng produktong ito sa iyong mga “eye-bags” upang makabawas sa pagkulubot ng balat sa parteng ito at pagputi na rin ng nangingitim na parte.
3. Isa sa mga sangkap na matatagpuan sa langis ng niyog ay ang kakayahan nitong makagaling ng mga bitak-bitak mong sakong. Kung ikaw ay nakakaranas lalo na ng pangingirot rito, isang napakagandang paraan ang paglalagay ng langis sa apektadong parte. Maaari rin itong ihalo sa ibang sangkap na makakatulong sa paghilom ng mga naglamat mong sakong.
4. Isang mabisang lunas din ng langis ng niyog ang pagpapahid nito sa mga nag-alsahan mong mga ugat lalo na sa parte ng iyong alak-alakan, sa pisngi, at sa paa. Karaniwang nakikita ang mga “varicose veins” na ito sa mga nabanggit na parte ng katawan na siyang isa sa pinakamaraming tungkulin na ginagawa sa araw-araw. Hindi mo na kailangang mag-paturok ng kung anu-anong gamot sa iyong mga ugat at maaari mo munang subukan ang natural na paraan na ito.
5. Ang paraan ng pag-aapply ng langis sa ating mga anit ay malaki ang naitutulong sa pagbawas ng balakubak at paggaling na rin ng mga sugat nito gawa ng pangangamot rito.
6. Para sa mga mahal nating nanay na nakaranas ng magluwal ng bata, isa sa pinakamabisang pang-alis ng tinatawag na “stretch mark” galing sa pagbubuntis ay ang pagpapahid ng langis ng niyog sa parte ng tiyan. At kung ikaw din naman ay may ganitong sitwasyon kahit hindi ka pa ina, maaari mo ring gawin ang natural na paraan na ito upang maibsan ang mga nabanat mong balat. Ang produktong ito ay may kakayahang mabawasan ang mga “cellulite” sa ating mga balat na siyang nagiging dahilan upang ito ay magmukhang nakalawlaw.
7. Mabisang panlaban lalo na sa mga “teenager” ang pagkakaroon ng taghiyawat ay ang pagpahid ng langis ng niyog sa mga parteng mayroon nito. Malaki rin ang nagagawa nito sa mga nangingitim o may mantsang parte ng ating mukha. Maglagay lamang ng sapat na dami ng pinaghalong 2 kutsarang pulot at langis ng niyog kasama ng 5 kutsarang katas ng Sabila upang makagawa ng timpla para sa pamahid sa mukha.
Sa panahon ngayon, dapat nating isaalang-alang ang paggamit ng lehitimo at natural na paraan upang masagot ang ating mga suliranin sa araw-araw. At isa rito ang langis ng niyog na maaari na ngayong makuha at mabili sa mabilis na paraan. Marami na ngayong mga ganitong produkto na matatagpuan sa merkado ngunit bilang isang mamimili ay magig mapag-obserba sa mga produktong ating ginagamit. Nawa ay nakatulong ang artikulong ito at nakadagdag sa iyong kaalaman.
0 Mga Komento