Subscribe Us

Narito ang Sampung Benepisyo ng Braces sa ating Ngipin at Pati Narin sa Ating Kalusugan. Alamin Dito.

Ang pagpunta sa dentista, minsan ay mahirap para sa atin. At para sa iilan, ang pagsuot ng braces ay mas nakakatakot kaysa sa normal na bisita sa dentista. Ang braces ay pangunahing ginagawa upang pumantay ang ngipin, ngunit alam mo ba na maliban dito, mayroon pang ibang benepisyong dala ito. Halina’t alamin niyo dito.
Narito ang Magandang Benepisyo ng Braces sa Ating ngipin at Maging sa ating Kalusugan:
1. Pagpigil sa mga Gum Disease. 
Ang gum disease ay maaaring magdala ng malaking panganib kung hindi pinangangalagaan ang ngipin at ang gilagid. Mabuti nalang, tinitulungan ng braces na bigyan ng tamang espasyo ang mga ngipin upang mas mainam ang flossing at mas madaling nasisipilyuhan ang mga ito.

2. Pagpigil sa pagkabulok ng ngipin. 
Ang pagkabulok ng ngipin ay isang pangunahing problemang dala ng hindi paglilinis ng ngipin. Ang bacteria na naiipon sa mga maliliit na pagkaing naiwan sa ngipin ay nagdadala ng pagrami ng acid na syang dahilan kung bakit rumurupok ang ngipin.

3. Pagpigil sa Cavities.
Kung maagap na napansiiin, ang cavities ay madaling bigyang lunas. Ngunit kung ito ay pababayaan, mas lalala ito at mas magmamahal ang kailangang bayaran upang ito ay maisaayos. Katulad ng mga nauna, dahil sa mas pantay pantay na espasyo na dala ng braces, mas malilinis ng mainam ang ngipin.

4. Mas mainam na pagtunaw ng pagkain. 
Isa sa mga rason kung bakit kailangan ayusin ang ngipin na hindi pantay-pantay ay sa kadahilanang hindi nito nahihiwa at nangunguya ang pagkain sa maliliit na piraso. Mas napapadali ang pagtunaw ng kinain ng iyong bituka kung ito ay nadurog ng tama ng iyong ngipin.
5. Pinipigilan ang Injury o Truama. 
Walang may gusto ng basag o di kaya’y ngipin na napingas. Ang ngipin na di pantay at yaong may nakausli palabas ay mas delikado sa mga aksidente. Sa isports, car crash, pagkahulog at iba pa, kung pantay ang iyong mga ngipin, mas maliit ang tyansa na ito ay madamage.
6. Pinipigilan ang Bone Erosion o Pagbaba ng buto. 
Ang bone loss ay isang problemang kalakip rin ng di pantay-pantay na ngipin. Ito ay nangyayari kapag kinakain ng bacteria ang mga buto. Dahil sa braces, mas maliit ang posibilidad na ito ay mangyari dahil sa pagpapantay-pantay ng mga ngipin.

7. Pagtaas ng kumpyansa sa sarili. 
Ang braces ay tunay ngang mahalaga para sa kalusugan, ngunit ito ay may mahalagang ginagampanan sa kumpyansa ng isang tao. Ito ay dahil pagkatapos nito, siguradong magkakaroon ka ng mas magandang ngiti. Mas kaya mo na rin harapin at kausapin ang iba ng hindi iniisip ang hitsura ng iyong mga ngipin.
8. Nakatutulong sa mas pantay na panga. 
Ang ilan sa atin ay mayroong panga na nakapaling ng kaunti. Ang braces ay nakatutulong rito sa pamamagitan ng pag hila sa iyong ngipin sa mas magandang psoisyon. Dahil dito mas pantay tingnin ang ngipin at panga sa mukha.
9. Nakatutulong sa pagsasaayos ng kagat. 
Ang hindi magandang kagat ay nagdudulot ng problema kapag kumakain dahil ang mga ngipin ay hindi swak sa isa’t-isa. Mas madaling mapagod ang panga at humahantong sa pagkabungi. Mabuti na lamang, napapantay ng braces ang ibaba at itaas na bahagi ng iyong bibig.
10. Nakatutulong sa mas magandang pananalita. 
Sino nga bang magaakala na ang ngipin na hindi pantay pantay ay nakakaapekto sa pagbigkas natin ng mga salita? Kung ang ngipin ay baliko at hindi tuwid, may ilang mga tunog na mas mahirap sabihin. At katulad sa kalusugan at kagandahang dulot ng braces, ang tuwid na ngipin ay nagdadala ng mas mainam na pakikipagusap lalo na sa mga salitang nahihirapang ibigkas.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento