Ang plema ay madalas kasama ng sipon at iba pang respiratory infections. Kahit ito ay hindi seryosong problema, kapag hindi nagamot ng tama maaaring mabara at mairita ang bronchial tubes at magdulot na iba pang respiratory infection.
Ang paggamot ng plema minsan ay nakakainis dahil na rin tila di na ito natapos tapos. Ngunit mayroong mga epektibo at natural na lunas na maaring mabilis gumana at walang side effects.
Ang mga sumusunod ay ang 10 na lunas sa plema:
1. Pagpapausok.
Magsteam shower lamang dalawang beses sa isang araw. Maligo sa shower na nasa full heat at manatili sa loob ng bathroom ng 10 minuto upang masira ang mucus. Siguraduhing malotion pagkatapos dahil tinatanggal ng mainit ng tubig ang essential oil at moisture sa balat.
2. Tubig na maalat.
Ang pagmumog ng maligamgam na tubig na maalat ay isa sa madaling paraan upang mawala ang plema. Paghaluin lamang ang ¼ kutsarita ng asin at isang basong maligamga na tubig. Gamiting pangmumog 3 beses sa isang araw.
3. Lemon Juice.
Paghaluin ang 2 kutsaritang lemon at isang kutsarang pulot sa isang basong mainit na tubig. Inumin ito tatlong beses sa loob ng isang araw. Maaari ring maghiwa ng lemon, lagyan ng asin at paminta saka sipsipin. Pipwersahin nito na lumabas ang plema sa iyong lalamunan. Gawin ito dalawa o tatlong beses sa isang araw.
4. Luya.
Ang luya ay isang natural na decongestant na ginagamit upang labanan ang impeksyon sa lalamunan at respiratory tract. Maglagay lamang ng isang kutsarang luya sa isang tasa ng pinakuluang tubig. Hayaan sa loob ng dalawang minuto bago lagyan ng dalawang kutsaritang pulot. Inumin ang tsaang ito ng ilang beses sa isang araw.
5. Turmeric.
Maglagay lamang ng isang kutsaritang turmeric sa isang baso ng mainit na gatas. Inumin ito isang beses sa umaga at isang beses bago matulog. Maaari ring lumunon ng kalahating kutsaritang turmeric at isang basong tubig, dalawa o tatlong beses sa isang araw. Magdagdag ng isang kutsarang turmeric at kaunting asin sa baso ng maligamgam na tubig. Gamitin itong pangmumog.
6. Chicken Soup.
Ang mainit na chicken soup ay maaaring makapagpagaling sa plema. Natutulungan nitong mamoisturize ang daluyan ng hangin at panipisin ang plema. Kaya rin nitong magdala ng relaxation sa iritableng lalamunan. Kumain lamang g chicken soup dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Pwede ring maglagay ng luya at bawang upang maging mas epektibo.
7. Cayenne Pepper.
Paghaluin ang mga sumusunod na sangkap: ¼ kutsarita ng cayenne pepper, ginadgad na luya, isang kutsarang pulot at apple cidervinegar, ilagy rin ang dalawang kutsarang tubig. Inumin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw upang mabawasan ang produksyon ng plema. Pwede ring gamitin ang cayenne pepper sa iyong mga ihahandang potahe.
8. Pulot.
Maglagay ng kaunting white o black pepper powder sa isang kutsarang bulot. Ang pepper ang syang gagamot sa impeksyon, at ang pulot naman ang gagamot sa mucus membranes. Inumin ito dalawang beses sa isang araw sa loob ng isang linggo. Pwede ring maglagay ng isang kutsarang pulot sa isang basong maligamgam na tubig. Inumin ito pang araw-araw.
9. Sibuyas.
Hugasan at hiwain ng pinong-pino ang sibuyas. Ihalo ito sa 2 kutsarang asukal at hayaan sa loob ng 30 minuto. Ito ay magkakaroon ng liquid texture. Inumin ang isang kutsara nito isang beses sa tatlong oras. Maaari itong ilagay sa ref basta hindi lalampas ng dalawang araw.
10. Carrots.
Kunin ang juice mula sa apat hanggang limang carrots. Lagyan ng kaunting tubig at 3 kutsaritang pulot sa haluin ng maigi. Inumin ang juice na ito upang mawala ang plema sa lalamunan. Ito ay epektibo na pang laban sa plema dahil ang carrots ay mayaman sa vitamin C. Ito rin ay punong puno ngsustansya at bitamina na panglaban sa plema.
0 Mga Komento