Alam nyo ba na ang bawat pagpasok ng daliri natin sa loob ng ilong ay pwedeng magdulot sa atin ng panganib? Oo madalas hindi natin maiwasan na hindi ito ipasok kapag may nararamdaman tayong pangangati ngunit ito pala ay delikado. Halika at ating alamin kung bakit.
Ang pagsundot o pagpasok ng daliri sa loob ng ating ilong ay nakakasama lalo na kung ito ay madumi. Hindi pala natin pwede kalikutin o ipasok basta basta ang ating mga daliri sa loob ng ating ilong dahil pwede itong magdala ng bakterya na Staphylococcus aureus hanggang sa loob ng ating katawan. Ang mikrobyo na at bakterya ng inyong mga daliri ay pwedeng lumipat sa ating katawan sa simpleng pagsundot o pagpasok ng daliri sa ilong.
Narito at ating alamin ang iba pang pwedeng epekto ng pagpasok ng maduming daliri sa ating ilong.
1. Ang madalas na pagsundot, pagpasok o pagkalikot ng loob ng ating ilong ay pwede magdulot ng sugat at pagdudugo sa ating Mucous Membrane o Membranong Mukosa.
2. Ang sobrang pagkamot ng makating bahagi ng loob ng ilong ay pwedeng lumala at kumalat sa iba pang mga bahagi ng loob ng ilong.
3· Ang paligid o haligi ng loob ng ilong ay pwedeng mairita at magkaroon ng inpeksyon.
4. Ang pagkakaroon natin minsan ng mga sakit at impeksyon ay pwedeng dahil sa pagpasok natin ng maduming daliri sa ating ilong na dahilan ng pagkalat ng mga mikrobyo o bakterya sa ating dugo.
Madami sa atin ang hindi inaakala na ang pagsundot pala ng ating ilong ay may masamang epekto sa ating kalusugan. Mayroong limang mahalagang ugat na nakakonekta sa ating ilong kaya kapag ito ay nasira o dumugo dulot ng sobrang pagsundot o pagkalikot ng ating ilong ito ay delikado.
Kung hindi talaga mapigilan ang kati na nararamdaman sa loob ng ilong, siguraduhin lang na malinis ang mga daliri bago ito ipasok o di kaya ay magpahid ng alkohol para mapatay nito ang mga mikrobyo sa mga daliri.
Iwasan din ito makamot ng sobrang diin para hindi magkaroon ng sugat o pagdurugo na pwedeng magdulot ng mga inpeksyon. Lagi din bawasan ang haba ng mga kuko para hindi ito bahayan ng mga mikrobyo at bakterya.
Isipin muna palagi ang mga aksyon na dapat gawin bago ka magsisi sa bandang huli.
0 Mga Komento