Subscribe Us

Narito ang Pitong Maling Ginagawa Nyo na Nakakasira at Nakakasama sa Inyong mga Ngipin. Basahin Dito.

Ang pangangalaga sa ating mga ngipin at gilagid ay maaaring simple lamang gawin. Magsipilyo ng dalawang beses sa isang araw, at mag floss kapag napusuan. Idagdag pa ang dalawang beses na dental visit sa isang taon at swak na swak na ang kalusugan ng bibig. Ngunit, hindi ito natatapos rito.
Mayroong mga tamang nakasanayang maaaring ginagawa mo ngayon ngunit hindi nakabubuti sa iyong ngipin. Halina’t alamin.
1. Juicing. 
Nauuso ngayon ang mga pagpopost ng makukulay na pagkain, kabilang na angibat ibang juice na nangangahulugan na tayo ay kumukonsumo ng pagkaing mataas ang pigment. Ito ay nagdudulot ng stains sa ngipin. Inererekomenda na gumamit ng straw kapag umiinom ng kape at iba’t ibang uri ng juice, lalo na kung gusto mong mas tumagal ang epekto ng teeth bleaching.

2. Hindi pagsisipilyo bago matulog. 
Kung palagian mong nilalaktawan ang pagsisipilyo, flossing, at pagmumog ng mouthwash sa gabi, maaari mo itong makasanayan. Madalas mas madali para sa isang tao na magsipilyo tuwing umaga sa kadahilanang gusto nilang magmukhang presentable at kaaya-aya sa araw na iyon, ang iba naman ay iniisip na wala nang punto ang pagsisipilyo bago matulog. Ito ay paniguradong magdadala ng mga bagay na pagsisisihan mo rin, katulad ng pagkabungi.

3. Hindi paglinis o pagpalit ng sipilyo.
Ang ating sipilyo ay dapat pinapalitan tuwing ika tatlong buwan, o tuwing ikaw ay magkakaroon ng sakit. Kung ikaw naman ay mayroong electric na sipilyo, maaaring gumamit ng ultraviolet system tuwing pinapalitan ang mga brush nito. Pwede mo ring subukan ang pagbabad ng toothbrush sa mouthwash sa loob ng 20 minuto upang mamatay ang mga mikrobyong taglay nito.
4. Kawalan ng Dental Appointments. 
Minsan, dahil sa sobrang busy ng ating mga schedules, at obligasyon nakakaligtaan na nating magpacheck up sa ating dentista at least dalawang beses sa isang taon. Kailangan nating gawin itong prayoridad dahil ito ay tungkol sa prevention. Kung pipiliin mong pumunta sa dentist tuwing may issue lamang sa iyong ngipin, maaaring huli na ang lahat. Ang kanser sa bibig, pagkabulok ng ngipin at problema sa gilagid ay ilan lamang sa mga maaaring masolusyunan agad kung mayroong palagiang bisita sa dentist.
5. Pagsisipilyo pagkatapos uminom ng kape. 
Marami sa atin ang nakakaalam na hindi maganda ang kape sa ating mga ngipin. Hindi natin gusto ang stain na dala nito pero mahirap din naman talagang i-give up ang pagkakape. Ngunit ang pagsisipilyo pagkatapos na pagkatapos uminom nito ay nakasisira ng ngipin. Acidic ang mga inumin katulad ng kape at kapag nagsipilyo agad, masisira nito ang enamel ng ngipin. Mainam na maghintay muna ng kahit 30 minuto bago magsipilyo.
6. Paginom ng sports drink.
Ang mga atleta at mga taong palagian sa gym ay sadyang mahilig sa mga sports drink upang maibsan ang nawalang electrolytes sa katawan, ngunit may masamang epekto ito sa ngipin. Ito ay mayroong sugar, minsan nga mas mataas pa sa soft drinks. At dahil hindi nililimitahan ang paginom nito katulad na lamang ng paglimita natin sa paginom ng soft drinks, mas exposed sa maraming sugar ang ating mga ngipin.
7. Paginom ng Wine.

Kahit hindi natin nalalasahan, ang wine ay punong-puno ng asukal na syang nagpapataas sa panganib ng pagkabulok. Madalas ay binabantayan natin ang asukal sa ating mga kinakain ngunit nakakaligtaan naman ang asukal sa ating mga iniinom. Maraming mga hidden sugar sa mga pang araw-araw na inumin, kung kaya’t dapat itong isaalang alang sa diet plan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento