Karamihan sa atin ay kumpyansa sa ating kalinisan sa katawan. Noon pa lamang, itinuturo na sa eskwelahan ang mga tamang pag putol ng kuko, palagiang pagligo at pahihilamos. Ngunit hindi ganoon kadali ang personal hygiene.
May ilan tayong kamalian sa personal hygiene natin na maaaring hindi mo napapansin na palagian mong ginagawa. Halina’t alamin.
1. Paglagay ng mukha sa kamay.
Gaano mo kadalas pinapahinga ang iyong mukha sa iyong mga palad? Bawat sandaling ginagawa natin to, naglalagay tayo ng dumi sa ating pagmumukha at binabanat rin nito ang balat. Ang paulit-ulit na paghawak sa mukha ay nakapagdadagdag ng pagbara ng mga pores at tinutulak nito ang oil, dumi, dead cells, at alikabok sa loob ng pores.
2. Paghugas ng mukha pagkatapos ng ehersisyo.
Ang paghihilamos pagkatapos pagpawisan ay sadyang refreshing at mukhang hygienic na bagay na gawin. Ngunit, mas mainam na basain na lamang ng tubig ang mukha bago ang workout. Mas mainamn na gawin ang paglinis ng mukha bago ang ehersisyo dahil kapag pinawisan, madalas nating pinupunasan ito kaya nakukuskos ang dumi, oil, pawis at iba pa sa balat sa mukha.
3. Pagligo sa mainit na tubig.
Sadyang masarap sa pakiramdam ang hot shower tuwing umaga lalo na kung malamig, ngunit wala itong mabuting naidudulot sa iyong balat. Ang maligamgam na tubig ay tunay na gusto ng karamihan, ngunit para sa mga taong gusto ang sobrang init na shower, alalahanin na binubuksan nito ang mga pores na syang nagtatanggal ng mga protective oils ng balat at nagdudulot ng dehydration sa balat.
4. Di agarang paglagay ng lotion.
Madalas kapag tayo ay nagmamadali, pagkatapos natin maligo eh tayo’y nagbibihis na agad at iniisip na mamaya na lamang maglolotion. Ngunit alam mo ba na hindi na ganon ka epektibo ang lotion kung ito ay hindi agad ginagawa pagkatapos maligo? Siguraduhing dinadantay ang tuwalya sa balat at hindi ito kinukuskos, maglagay agad ng lotion upang manuot ito.
5. Paggamit ng mouthwash.
Ang paggamit ng mouthwash ay tila isang mainamn na gawain sa ating bibig, ngunit ito ay maaaring nakakaperwisyo sa ilan. Ang mga alcohol-based mouthwash ay nagdudulot ng pagkatuyot ng bunganga. Kapag ang bibig ay tuyo, mas mabilis ang pagrami ng bad bacteria. Mas mainam nang gumamit ng alcohol-free mouthwash na mayroong xylitol, na tumutulong sa paglalaway na syang tila humuhugas sa mga masasamang bacteria.
6. Hindi paglilinis ng makeup brush.
Ang paglilinis ng ating mga makeup brushes ay isa sa mga bagay na maganda pakinggan, ngunit hindi nagagawa. Ang paglinis nito ay hindi tatagal ng 30 minuto ngunit matagalan namang makasisigurado na hindi ito nagdadala ng bacteria sa iyong balat. Kung hindi maayos ang paglilinis, pinamamahayan ito ng bacteria na sisira sa iyong balat, lalo na’t sa mukha ito idinidikit.
7. Hindi paglinis ng kuko.
Siguro ay madalas mong hinuhugasan ang iyong mga kamay ngunit gaano ng aba katagal? Mahalaga na sinasama natin an gating mga kuko sa paghuhugas. Ang dumi at bacteria ay maaaring manirahan sa ilalim ng kuko. Kung maisubo o idikit ito sa labi, siguradong papasok ang mikrobyo sa iyong bituka.
8. Gumamit ng natural na beauty products.
Sikat sa mga panahon ngayon ang mga green beauty and natural na wellness products. Ngunit hindi katulad ng mga commercial na pampaganda, mas kailangan mo itong pangalagaan dahil nga sa wala itong mga kemikal. Bumili lamang ng mas maliliit dahil mas mabilis itong maexpire, huwag itong papaaarawan at siguraduhing nakasara ng maigi.
0 Mga Komento