Subscribe Us

Ito ang mga Natural na Pagkain na dapat Niyong Kainin Upang Maiwasan ang Pagkakarooon ng Breast Cancer. Basahin Dito.

Walang pagkain na lubusang mapipigilan o mapapagaling ang isang indibidwal na mayroong breast cancer, ngunit ang pagdagdag ng mga sumusunod na pagkain ay makatutulong na pababain ang tyansa na magkaroon breat cancer.
Narito ang Dapat Niyong Kainin Upang Maiwasan ang Breast cancer:
Olive oil
Ang olive oil ay kilala bilang healthy fat, ayon sa pagaaaral ito ay mayroong potensyal na lumaban sa kanser. Ayon sa mga mananaliksik mula sa Espanya, sa pagaaaral na isinagawa para sa 4,300 na kababaihan sa loob ng 5 na taon, ang pagkain ng may higit na rami ng olive oil ay nakaaapekto sa pagiwas sa kanser sa suso.
Kape
Isang magandang balita ito para sa mga mahihilig sa kape. Ayon sa mga scientists mula sa Fudan University sa bansang Tsina, ang isang tasa ng kape ay nakakapagpababa sa panganib ng pagkakaroon ng kanser ng 3 porsyento. Ito ay mayroong mas magandang epekto sa mga babaeng nasa ilalim ng hormone therapy drug na kung tawagin ay tamoxifen.
Mansanas
Huwag mong itatapon ang mga balat ng mansanas. Ito ay hitik sa mga compounds na lumalaban sa sakit na kanser. Ayon sa pagaaaral ng Cornell University, ang triterpenoids at phytochemicals na makikita sa balat ng mansanas ay may kakayanang pumatay ng tumor sa suso.
Walnuts
Kahit kaunting walnuts lamang ay maaari na itong magdala ng malaking epekto patungo sa pagpigil ng breast cancer. Ayon ito sa pagaaaral ng Marshall University School of Medecine. Sa naturang pagaaaral, ang paglaki ng tumor sa suso ay bumababa ng 80{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d}. At ang mga kumakain nito ay may mas maliit na tyansa na magkaroon ng tumor.
Salmon
Ang salmon ay kilala dahil ito ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Ayon sa mga Tsinong mananaliksik, napatunayan ng 21 na pagaaaral na ang pagkonsumo ng n-3 polyunsaturated fatty acids mula sa isdang ito ay tunay ngang nakakapagpababa sa tyansa ng breast cancer sa 14{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d}.

Broccoli
Ang broccoli ay kabilang sa pamilya ng cruciferous na gulay, kahanay ng kale, bok choy, cabbage, radishes, at cauliflower. Ang sustansyang nakukuha sa grupong ito ng mga gulay ay nakapagpipigil sa paglaki ng mga breast cancer cells, ngunit isang pagaaral mula sa Roswell Park Cancer Institute ang nagpapakit na ang pagkain ng broccoli ay partikular na nakakapagpababa ng panganib sa breast cancer lalo na sa mga premenopausal na kababaihan.
Carrots
Narito nanaman ang isa pang gulay na magpapanatili sa kalusugan ng iyong dibdib. Ang mataas na lebel ng carotenoids, isang uri ng pigment na makikita sa carrots, ay maaaring makapagpababa ng panganib ng breast cancer sa 28{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d}, ayon sa pagaaaral ng Harvard University. Ang alpha-carotene at beta-carotene ay nakakapagpababa ng tyansa na bumalik ang sintomas ng breast cancer at pagkamatay mula rito hanggang 68{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d}.

Parsley
Ang parsley ay nagtataglay ng compound na kung tawagin ay apigenin. Nang sinubukan ng propesor sa University of Missouri na si Salman Hyder na ilantad ang mga dagang may breast cancer sa apigenin, nagkaroon ng mas konting tumor ang mga ito at nagkaroon rin ng pagbagal sa paglaki ng mg nasabing tumor.
Blueberries
Ayon sa isang pag aaaral, ang phytochemicals sa blueberries ay agresibong lumalaban sa cancer cells at pinipigilan ang mga ito sa pagkalat. Maaari rin itong makaapekto sa laki ng tumor. Ito ay nasubukan rin sa mga dagang may breast cancer at tunay ngang bumaba ang rami ng tumor sa mga dagang ginamitan ng blueberry extract.

Grains
Ayon sa isang pagaaaral na isinagawa ng Harvard University, ang mga kababaihang kumakain ng fiber rich foods, katulad na lamang ng wheat bread at sitaw, ay mas mayroong manipis na tyansa ng pagkakaroon ng breast cancer pagtanda. Ang pagkain nito ay kalakip ang 24{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} mas mababang tyansa na magka breast cancer bago mag menopause.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento