Alam nyo ba kung ano ang Perimenopause? At kung sino-sino ang nagkakaroon nito?. Kung hindi pa halika at ating alamin kung ano ba talaga ito at kung ano- ano ang mga palatandaan na meron ka nito.
Ang Perimenopause ay ang iregularidad na pagdating ng regla na nararanasan ng isang babae bago dumating ang oras na tuluyan ng hihinto ito. Ito ay madalas o pwedeng makita ang sintomas sa mga kababaihang may edad tatlongput-lima (35) pataas o apatnapu (40) pataas.
Ano nga ba ang mga sintomas na mayroon o magkakaroon ka na ng Perimenopause ?
Narito at alamin ninyo:
• Iregularidad na regla.
• Pagkakaroon ng problema sa pantog at sa maselang parte ng katawan ng babae na dahilan para masaktan sila tuwing nakikipagtalik.
• Pagbabago sa bilang ng cholesterol sa katawan.
• Pababago ng ugali.
• Pagkakaroon ng problema sa pagtulog.
• Pagkawalang gana sa pagtatalik.
• Pananakit ng suso.
• Pagtaas ng timbang.
• Nawawala sa pokus at madaling makalimot sa mga bagay bagay.
• Laging mainit ang pakiramdam.
• Madalas mainitin ang ulo at bugnutin.
Hanggang kailan mararamdaman o tatagal ang Perimenopause ng isang babae?
Ang Perimenopause ay nagtatagal ng apat na taon, pero sa ibang mga babae ito ay nararamdaman ng buwan lang o hanggang sampung taon. Malalaman mo kung tapos na ang iyong Perimenopause kung hindi ka na dinadatna ng labing-dalawang buwan o isang taon.
Paano gamutin o mabawasan ang mga sintomas?.
Ang wastong pagkain at pagbabago o pagaayos ng pamumuhay ay isa sa mga dapat gawin. Ayon sa mga Doktor isa sa mga mabisang panggagamot ay ang paraang systemic estrogen, kabilang dito ang mga gamot sa pagkontrol ng pagdami ng anak o birth control, mga pangtapal na nakakatulong kapag nararamdaman ang sobrang init o pagpapawis. Ang estrogen din ay nakakatulong sa pagtutuyo ng maselang parti ng katawan ng babae.
Nakakatulong din ang pagiwas sa mga pagkain o inumin na may mataas na bilang ng caffeine, asukal at alkohol, at ang pagehersisyo ang tamang pagtulog sa pagkakaroon ng Perimenopause.
Ang mga nabanggit na gamot o paraan para maiwasan o para gamutin ang mga sintomas na nararamdaman ay makaktulong sa atin, mainam parin na bumisita sa doktor at pag-usapan ang tungkol dito para magawan agad ng paraan.
0 Mga Komento