Gusto nyo bang kumain ng mga ice cream? Mga prinosesong tinapay? Delatang Karne? Uminom ng Softdrinks?. Kapag lahat ito ay inyong kinain o ininom sigurado iiksi ang inyong buhay. Narito at inyong alamin bakit.
Narito ang listahan ng mga pagkain na hindi natin dapat kainin para humaba ang ating buhay:
1. PROCESSED MEAT O MGA KARNENG DUMAAN SA PROSESO.
Ayon sa pag-aaral ang mga pagkain na dumaan sa proseso lalong lalo na ang karne ay isa sa mga pagkain na dapat iwasan. Ito ay madalas nilalagyan ng gamot, pinapausukan, nilalagyan ng mga preserbatibo para ito tumagal at ito ay punong puno ng sodium. Ang mga halimbawa nito ay ang mga Hot dogs, bacon, Salami, sausage at mga delatang karne.
2. CORN SYRUP.
Ang corn syrup ay isang mumurahing pangpatamis na madalas matagpuan sa mga prinosesong pagkain at mga soda. Madalas ito gamitin ngunit ito ay may masamang epekto sa ating katawan. Ito ay nagdudulot ng sobrang pagkagutom at paghahanap ng pagkain na pwedeng magdulot ng diabetes at sobrang pagtaas ng timbang .
3. SODA.
Soda na nasa lata o bote kahit ano pang itawag niyo dito, pare-pareho lang silang mga inuming na may mataas na bilang ng sugar na pwedeng makasira ng ating kalusugan at mapabilis ang ating buhay. Ayon sa pag-aaral kapag uminom ka ng soda para ka naring uminom ng asukal na may kasamang kemikal at pwede ito magdulot ng diabetes, sakit sa puso, kanser at sobrang pagtaas ng timbang.
4. PAGKAIN NA PINIRITO.
Marahil marami sa ating ang mahilig sa mga pagkain na piniprito ngunit meron pala itong masamang dulot sa ating katawan. Ang mga pagkain na piniprito ay nagtataglay ng mga fats na nakakasama sa ating katawan tulad ng saturated fats at trans fats. Ang saturated fats ay nakikita sa mga langis na ginagamit natin sa pagprito ng mga pagkain tulad ng langis ng nyog, langis na galing sa palm at sa palm kernel.
5. MGA ARTIPISYAL NA PANGPATAMIS.
Ang paglimita sa mga pagkain na matatamis ay isa sa dapat natin gawin ngunit ang paggamit ng mga artipisyal na pangpatamis ay dapat din nating iwasan. Ang mga artipisyal na pangpatamis ay nagdudulot ng pagtaas ng sugar sa ating dugo na pwedeng humantong sa pagkakaroon natin ng diabetes, pagkakaroon ng sakit sa atay at pagkakaroon ng komplikasyon sa utak. Pwede din ito magdulot ng problema sa ating kalusugan at mga iba pang sakit tulad ng pamamaga, sobrang pagtaas ng timbang, pagka autism at kanser.
6. DAIRY PRODUCTS.
Kung gusto mong bumaba ang iyong timbang at humaba ang iyong buhay ang dairy products o mga pagkain na may mataas na bilang ng gatas ay iyo dapat iwasan. Ito ay nagtataglay ng saturated fats, hormones, sugar at antibayotik residues na nakakasama sa ating kalusugan na pwedeng magdulot ng sakit sa puso, sobrang pagtaas ng timbang, acne at diabetes o sobrang pagtaas ng sugar sa ating dugo.
0 Mga Komento