Subscribe Us

Narito ang mga Paraan upang Maiwasan ang Panunuyo at Pagkakaroon ng hiwa o mga “Crack” sa Labi na Pwedeng Gawin sa inyong mga Bahay.

Ikaw ba ay isa sa mga taong palagiang nakakaranas ng pagakakaroon ng tuyot na labi? Kung isa ka, narito ang mga paraan upang maiwasan natin ang pagkakaroon nito. Kadalasan, tayo ay nakararanas ng pagkakaroon ng tuyo, nanunutong at nagka-crack sa parte ng ating labi na siyang nagdudulot ng pakiramdam na para itong hinihiwa.


Ito rin ay maaaring sanhi ng labis na paninigarilyo, mababang antas ng bitamina sa katawan, “dehydration”, malabis na paggamit ng mga komestikong panlagay sa labi o higit sa lahat ang pagiging lantad sa araw o mainit na klima.
Narito ang mga maaring gamitin upang maiwasan ang pagkakaroon ng tuyot na labi: 

1. “Humidifier”
Ito ay isang kasakangkapan na maaari nating ilagay sa ating kwarto na isang paraan upang ma-moisturize hindi lang ang ating mga labi kundi ang ating katawan.
2. Pipino
Hindi lamang ito nagagamit sa pagpapaputi ng ibang parte ng katawan, ang piniga o hiwa ng pipino ay maaaring ilagay sa ating mga labi na siyang makakapagpanatili moisture at dahil sa malamig na dulot nito. 
3. Tsaa
Ito ay ginagamit simula pa noong unang panahon, hindi lamang bilang inumin kundi sa pag-aapply nito sa mga labi. Ang tsaa na nasa maliit na bag o teabag matapos itong gamitin o katasin ay pwedeng ilapat sa labi upang maiwasan ang panunutong nito. 
4. Aloe Vera Gel
Ito ay isa lamang sa mga alternatibong sangkap hindi lamang nagagamit sa buhok kundi pati na rin sa ating mga labi. Ang gel form ng aloe vera ay nakakatulong sa upang maibalik ang mositure at maiwasan ang pagbabakbak ng balat ng ating mga labi. I-apply ito ng direkta sa labi na isang paraan din upang maibsan ang kirot dala ng panunutong at pagbabalat nito.
5. Krema mula sa gatas (MILK CREAM)
Ang isa sa natural na sangkap na ating makikita sa ginagamit sa pang-araw araw ay ang mga gamit sa kusina mula sa gatas. Marapat na maglagay nito sa labi upang maiwasan ang pagbabalat sa nais na haba ng minuto. 
Maaari rin itong hugasan ng maligamgam na tubig pagkatapos gawin ang paglalapat. Kung nakakaranas ka na ng labis na pagkatuyo ng labi, ang krema mula sa gatas isa sa pinakamabisang paraan.

6. Asukal na may halong pulot-pukyutan
Ang mga sangkap na ito ay makakatulong sa pag-eexfoliate o pagpapalit ng balat ng ating mga labi. Ito ay natural at maaaring iapply na mga ilang minuto, isa rin itong paraan upang maibalik ang kalusugan at kulay ng ating mga labi.
7. Langis ng Niyog
Isang kapaki-pakinabang na langis higit sa lahat ang sa niyog. Kung ikaw ay may labis na kirot sa panunutong ng iyong labi, isa ito sa pinakamainam na sangkap na maaring ilagay. Mag-apply sa nais na dami sa iyong mga labi upang maibalik ang moisture nito at makikita mo ang magandang resulta.
8. Langis ng Oliba (Olive Oil) 
Isang sangkap sa ating mga kusina na ating makikita ay ang paggamit at paglagay ng langis ng oliba sa ating mga labi. Hindi lamang ito pwedeng ilapat sa tuyong labi kundi at pwede rin itong ihalo sa inuming tubig para sa dagdag tulong sa “rehydration” ng ating buong katawan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento