Subscribe Us

Ito ay ang Mga Sangkap na mayroon sa Dilata Kung bakit natin Dapat Limitahan o Iwasan ang Pagkain Nito.

Karamihan sa mga pagkaing ating makikita sa pamilihan ay mga naka-de-lata. Tila ito’y normal at nakalulusog. Gayunpaman, ilan sa mga pag-aaral ay nagsasabing ang ilan sa mga materyal nito ay lumilikha ng nakakalasong sangkap na makakapinsala sa ating kalusugan.


Ang mga lata ay may espesyal na takip na gawa sa “bispenol A resins”. Tandaan natin na ang pangalang ito ay hindi mahalaga, ang dapat nating malaman na ito ay naiipon sa ating katawan at ang epekto nito ay hindi maganda. Isang pag-aaral ang naglantad na ang mga taong kumakain ng mga naka-de-lata sa loob ng sunod -sunod na limang araw ay may mataas na antas ng ‘bisphenol A” sa kanilang ihi. Pagkatapos ay muli nilang sinukat sa loob ng sunod-sunod na limang araw na hindi kumukunsumo ng de-lata at ang elementong ito ay hindi na matagpuan.
Ito ay malinaw ang ang mga sariwang pagkain ay mabuti at pinapanatili ang sustansya nito. Kung saan ang karamihan ay umaayon dito. Ngunit ang malaking tanong dito ay kung gaano kasama ang mga produktong nakalata? Ating malalaman ang kasugatan kung tayo’y mamangha o mabibigla.
1. MGA INANGKAT NA DE-LATA 
Ang mga de-lata na galing sa ibang bansa mas mapanganib kaysa sa mga de-lata na matatagpuan at gawa sa ating bansa. Marami sa mga bansa kung saan ang presyo ay mura tulad ng sa Europa, Canada at Amerika, ang mga korporasyon ay patuloy na nag-aangkat para sa malaking kita, ang mga de-latang ito ay hindi kasing-sustansya sa mga kauri nitong bansa na Europa at Silangang Amerika. Ang mga pagkaing ito ay pinipitas ng hindi pa nasa panahon at may otsenta porsyentong mas mababa ang sustansya kaysa sa mga nahinog sa puno na mga prutas at gulay.
2. PAGKAKAROON NG TAGAS NA ALUMINYUM 
Kung tayo ay may nakikitang tagas ng aluminyum sa ating mga kaserola at mga kaldero, ito ay makikita rin sa mga de-lata. Lingid sa kaalaman ng marami na ang mga pagkain ang nilalagay, sineselyado sa mga aluminyong lata at saka niluluto, kung saan hindi nito napapanatili ang sariwa ng pagkain. Kung sa gayon, ang mga “aluminum free radicals” ang siyang nasasaloob ng lata at naisasama sa pagluluto na may nakakapinsalang sangkap.
3. BISPHENOL o BPA 
Ang nakakabahala sa lahat ng mga naka-de-lata na siyang matatagpuan ang “plastic” na mapaminsalang sangkap. Karmihan sa mga ito sa panahon ngayon ay may plastik na nakapatong sa loob ng lata nasiyang nagpapasariwa sa mga gulay at prutas. 
Mapapanatili itong sariwa ngunit kung ito naman ay nakalagay sa lata ay may kaakibat ng panganib na maidudulot sa atin. Ang plastik na “lining” ay nakakalason sa maliit na paraan. Kung saan, ang plastik na ito, ang “Bisphenol o BPA” ay mapaminsala kung saan mga materyales na plastik ay hindi nararapat na nakakain ng mga tao na siyang gawa sa “crude oil”.
4. MABABANG KALIDAD NG PAGKAIN 
Tayo ay maging totoo sa ating mga sarili at ating aminin na mas mataas na kalidad ng pagkain ang mga gulay at prutas at ito ay nabibili na sariwa sa mas posibleng pinakamataas na presyo para sa mas malaking kita ng mga “distributors” o tagapamahagi. 
Kung ang mga kalidad ng mga sangkap ay hindi ganon kainam o kaya ay mukhang luma na, lipas o sira na ay hindi nakakabuti sa ating katawan, ang mga ito ay patuloy na hindi malalantad sa mga mamimili na siyang mananatili ang patuloy na pagkonsumo sa mga produktong nakalata na siyang mababa ang kalidad na uri ng pagkain, nailuluto sa malalaking hurno (oven) habang nakalata at naiiangkat sa iba’t ibang bansa sa mundo na naibebenta sa loob ng isa o dalawang taon mula ng mapitas o maani. Huwag nating asahan na ang laman ng mga ito ay mataas na klase o uri ng pagkain na masustansya.
5.”PRESERVATIVES” 
 Ang kaiga-igaya ngunit hindi mabuting mga pagkaing inimbak. Ito ay tumutukoy sa dose-dosenang uri at kada ilang buwan ay napapalitan ang mga pagkakakilanlan ngunit sa parehong sangkap ang nilalaman ay kung minsan ay nahahaluan ng iba pang sangkap upang maging maganda sa pandinig ng karamihan. Ngunit, sa katunayan ang mga itsura nito at amoy ay mababaho katulad ng sa abono (manure), pati sa panglasa ay ganito, marumi sa pangkalahatan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento