Subscribe Us

Narito ang Mga Mabuting Benepisyo ng Pag inom ng Isang Basong Tubig na may Luya Tuwing Umaga.

Ang turmeric o kilala sa katutubong tawag na “luyang dilaw” ay malaki ang benepisyong pangkalusugan. Ang sangkap na ito ay matagal nang ginagamit ng ating mga ninuno simula pa noong unang panahon bilang natural na gamot, pangulay sa damit, at pampalasa sa mga pagkain. Ang “curcumin” ay siyang aktibong sangkap ng luyang dilaw ang siyang nagsisilbing “antioxidant” o panlaban sa mga free radicals na siyang nakapagpapabilis ng pagtanda ng ating pisikal na katawan.
Ang sumusunod ay isa sa paraan na maaari nating gawin upang kumunsumo at gawing tulong sa ating kalusugan:



TURMERIC WATER
Upang makagawa ng timplang ito, kailangan natin ng kalahating lemon, kalahating kutsarita ng turmeric powder, pulot at maligamgam na tubig. Paghaluin lamang ang mga sangkap sa isang baso at lagyan ng sapat na dami ng “honey” sa iyong nais na tamis ng inumin.

MGA MABUTING EPEKTO SA PAG-INOM NG TURMERIC WATER
  1. Naiiwasan nito ang paglaganap ng kanser at napapababa nito ang posibilidad na mabuhay ang mga tumor sa pamamagitan ng regular na pag-inom ng timplang turmeric.
  2. Isa sa pinakamagandang dulot ng turmeric water ay ang pagpapabagal ng pagtanda ng iyong katawan na gawa ng mga “free radicals” na napakakawalan sa ating katawan. 
  3. Naiibsan din nito ang pamamaga ng mga sugpungan o kasukasuan at pagkirot nito na nagreresulta sa pagkakaroon ng rayuma. Ang mga ito ay napatunayan dahil sa sangkap na “curcumin”.
  4. Isang pag-aaral ang ginawa at napatunayan sa loob ng isandaan at dalawampu’t isang pasyente na sasailalim sa operasyon sa puso ay nabawasan ng 65{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} sa tiyak na panganib sa pagkonsumo lamang ng apat na gramong turmeric araw-araw. Naiiwasan nito ang pamumuo at pagbabara sa malalaking ugat na daluyan ng dugo.
  5. Sa panahon ngayon, maraming tao ang nagkakaroon ng diabetes at iba’t ibang tipo nito, isa sa pinakamainam na paraan ang turmeric water upang bumaba ang antas ng asukal sa ating katawan.Ngunit bago gawin ito, marapat muna na kumunsulta sa iyong doktor sapagkat ang pagsabay sa pag-inom ng turmeric water at mga gamot pang-diyabetis ay maaaring magdulot ng “side effects” tulad ng “hypoglycemia” o pagbaba ng lebel ng asukal sa iyong katawan.
Hinihikayat namin ang karamihan na magkaroon ng kamalayan sa maganda at mabuting naidudulot ng mga halamang-ugat tulad ng luyang dilaw.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento