Ang Papaya, hindi lamang ito isang klase ng prutas na matamis kundi maaari rin magamit ang mga buto nito. Isa sa mga sangkap ng papaya ay mabisang panglinis ng ating mga bato (kidneys), atay (liver), at mga sistemang panunaw (digestive tract).
Ang mga pagkaing ating kinakain ay malaki ang epekto sa ating sistemang panunaw at ang regular na paglilinis rito ay mahalaga rin. Ang papaya ay isa sa pinakamasustansya at nakapagpapalusog. Ito ay may mabisang panlaban sa mga posibleng pamamaga, matagal na ring ginagamit sa mataas na antas ng asukal sa katawan (blood sugar), mga sugat, hindi natutunawan at lalo na sa kanser.
Mga Kabutihang Naidudulot ng Buto ng Papaya:
1. Nakatutulong sa sistemang panunaw.
Ang papaya ang mahalaga sa ating bituka at mga kaakibat nito. Ang mga buto nito ay nagbibigay ng mabisang panlaban sa mga parasitiko at bakterya na maaring makaapekto ng masama, at upang sugpuin din ang mga hindi mabuting mikroorganismo sa ating mga bituka.
Ang mga panlaban sa iba’t ibang organismo ng mga butong ito ay nakakatulong sa pag-iwas upang tayo ay malason, kung saan ang mga buto ay sinisira ang ang anumang maaaring pagmulan ng problema. Ang kailangan lang ay isang kutsarita ng mga butong ito.
2. Maiwasan ang pagkakaroon ng kanser.
Ang mga sangkap tulad ng “phenolic” at “flavonoids” sa mga buto ng papaya ay nagsisilbing pangpuksa sa paglabas at paglaki ng mga tumor. “Isothiocyanate”, ay isang uri ng “phytonutrient”, ay may kakayahang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser sa dibdib, baga, prostate at sa bituka.
3. Nakakatulong sa paglinis ng atay.
Ang mga buto ng papaya ay matagal ng ginagamit ng mga Intsik sa kanilang tradisyunal na medisina. Ito ay nakakatanggal ng mga lason sa ating mga sistema at nakakadaragdag o nakatutulong sa gawain ng atay.
Base sa mga pag-aaral, nagpapakita na ang mga buto ng papaya ay may nakakamanghang ginagawa sa mga taong may sakit sa atay o kilala sa tawag na “liver cirrhosis”. Kumain ng isang kutsara na buto ng papaya araw-araw upang luminis ang iyong atay. Kailangan ding magsagawa ng masusustansyang dyeta at malusog na pamumuhay. Tandaan, ang anumang uri ng inuming alkohol ay para sa ating katawan.
4. Nakapagpapalinis ng bato.
Ang mga buto ng papaya ay mabuti rin para sa ating mga bato. Ito ay panglunas sa pamamaga at pang-iwas sa anumang epekto ng bakterya na siyang maakakbuti sa ating bato at nagpoprotekta laban sa mga lason na nagdadala ng pamamaga.
5. Tumutulong sa pagbaba ng dugo ( Blood Pressure).
Ayon sa mga kaakibat na pag-aaral gamit ang mga daga ay nagpapakita na ang pagkain nito ng papaya ay nakadaragdag sa tibay ng puso at kalusugan nito. “Carpaine-a”, ay isang sangkap na makikita sa mga prutas, dahon at buto, na siyang nakakagawa upang bumaba at mapanatiling maayos ang daloy ng dugo sa ating katawan.
6. Nakatutulong sa pagbawas ng pamamaga.
Ang “papain” at “chymopapain” ay mga sangkap na nakakabawas sa pag-umpisa ng pamamaga, kung saan nagiging mabisa ang mga buto nga papaya laban sa anumang pamamantal o pamamagang mga kondisyon tulad ng sa hika, “gout”, pananakit ng mga kasu-kasuan at rayuma.
7. Contraceptive.
Ang mga Indiyano ay gumagamit ng papaya bilang kanilang natural na pagpipigil sa pagbubuntis. Kung ikaw naman ay gustong magdalang-tao, kailangan mong umiwas sa pagkain ng mga buto nito. Ayon sa pag-aaral, ang mga paggamit sa lalakeng daga ay naipakita na mababa ang antas o bilang ng kanilang “sperm”. Ang mga dagang ito ay binigyan ng mga buto ng papaya.
0 Mga Komento