Isang tiyak na kadahilanan kung bakit ito ay tinatawag ng karamihan na hindi kapani-paniwalang pagkain, ang itlog. Ang kakaibang pagkaing ito ay naging tanyag para sa kalusugan kung saan maaari itong kaninin sa almusal, tanghalian, o sa hapunan at kahit maging meryenda o sa kahit anung oras man. Wala rin itong sangkap na asukal o carbohydrate. Ito rin ay mababa ang calories at tiyak na nakakabusog.
Kung ang itlog ay wala sa iyong pangunahing listahan ng mga pagkain, marapat na magpatuloy sa pagbabasa ng artikulong ito upang malaman natin ang mga benepisyo na magagawa nito at makapagbabago ng iyong pananaw tungkol sa pagkain na ito.
Sumusunod ang 13 bagay na pwedeng mangyari sa iyo sa pagkain ng itlog:
1. Nakapagpapalakas ng enerhiya
Ang isang buong itlog ay naglalaman ng 6 na gramo ng mataas na kalidad ng protina at mayroon lamang itong 70 na calories.
Ipares ang dalawang itlog sa kalahating tasa ng oatmeal para sa mababang antas ng calorie na pagkain, at ito nama’y sapat na upang makabusog at pangbalanse.
2. Nakakabuti sa tungkulin ng iyong atay
Ang isang itlog ay may sapat na dami ng “choline”, kung saan ito ay kilala bilang “micronutrient” na tumutulong sa pag-angat ng iyong metabolismo, at sa pagdaloy ng mga bitamina at mineral, pati na sa pagpapabuti ng iyong atay.
Ang kolesterol sa itlog na hindi nakaaapekto sa kolesterol lebel ng iyong dugo. Alalahanin natin ang mga sabi-sabi na tayo ay hindi maaaring kumain ng buong itlog sapagkat ito daw ay may kolesterol. Ito ay walang katotohanan. Ayon sa “Health Line”, ang iyong atay ay siya rin naglalabas ng kolesterol.
Kapag ikaw ay kumain ng itlog sa isang regular na batayan, ang iyong katawan ay natural na magsisimulang maglabas ng mas mababang kolesterol.
3. Nakapagpapataas ng mabubuting uri ng kolesterol o HDL (High-density lipoproteins)
Ito ay mas kilala sa tawag na mabuting kolesterol ay may kakayahang makapagpababa ng tyansa mo na magkaroon ng sakit at atake sa puso. Ang mga ito ay maaari mong makamit kung ikaw ay kokonsumo ng itlog araw araw.
4. Makakatulong sa mga mata
Bukod sa karagdagang protina na dulot ng itlog,ito rin ay maraming sangkap na “lutein” at “zeaxanthin antioxidants”.
Ayon sa pag-aaral, na ang mga ganitong uri ng sangkap ay malaki ang ganap sa ating “retina” sa mata, ito rin ay nakakababa ng panganib na magkaroon ng katarata at “macular degeneration” o paglabo ng mata.
5. Nakakatulong sa pagbaba ng dami ng nakakain
Ang pagkonsumo ng itlog ay may kakayahang makatulong upang bumaba ang dami ng iyong kinakain sa buong araw. Ang itlog ay mas maraming lebel ng protina kung saan tayo ay makakaramdam ng kabusugan.
5. Mababang antas ng carbohydrate at gluten
Kung ikaw ay hindi makaiwas sa mga matatamis na pagkain o mga nagdidyeta dahil sa diabetes, ito na ang isang mainam na paraan upang ikaw ay magkaroon ng protina sa katawan.
Marapat lamang muna na alalahanin na ang pagkain din ng itlog ay nakakadulot ng sakit sa puso lalo na sa mga taong may “type 2 diabetes”.
6. Proteksiyon sa iyong mga buto
Ang itlog ay may mataas na antas ng Bitamina D kahit kailanman at ang katotohanang ito ay nakatutulong sa pagprotekta sa iyong mga buto laban sa pagkakaroon ng “osteoporosis”.
7. Peligro sa kanser
Ang “choline” kung saan nabanggit sa naunang bahagi, ay nakakababa ng panganib mo sa pagkakaroon ng kanser sa dibdib lalo na kung ikaw ay babae, ayon sa Women’s Health.
Atin ding tandaan na ang “choline” ay matatagpuan sa mga pula ng itlog at hindi sa puti nito. Kaya wag tayong umiwas sa pagkain ng itlog.
8. Pagkonsumo ng itlog para sa mas mainam na kalamnan
Ang mga taong mahilig “magbuhat”(weightlifters) ay karaniwang lumalagok ng mga inuming may protina sapagkat ito ay nadagdag sa kanilang kaalaman na ito ay tunay na mainam para sa kanilang mga kalamnan. Ang pagkain ng ilang piraso ng itlog pagkatapos mag-ehersisyo upang gumanda at mabilis na paglago ng mga kalamnan.
9. Nakakabuti sa mga buntis
Kung ang amoy at itsura o ang iyong pakiramdam sa itlog at hindi ka naman naaalibadbaran o sa iyong dinadalang pagbubuntis, maaari itong maging parte ng iyong pagkain.
Ang dalawang buong itlog ay naglalaman ng 250 milligrams ng “choline”. Iminumungkahi ng mga doktor para sa mga babaeng buntis o nagpapasusong ina ang pagkonsumo ng 450 hanggang 550 milligrams nito araw-araw. Ang “choline” ay nakakatulong sa pag-unlad ng utak at nakakaiwas sa anumang problema ng pagbubuntis.
10. Malusog na balat at buhok
Ang itlog ay may sangkap na Vitamin B-Complex, mas kilala sa tawag na “Biotin”. Ang bitaminang ito ay may abilidad na makatulong sa metabolismo ng iyong katawan sa parehong carbohydrate at taba para sa iyong enerhiya. Ang “Biotin” rin ay maganda at nakakalago ng buhok, sa mga kuko, at kahit sa balat.
11. Ang native at puting itlog ay may pagkakapareha
Bilang panghuli sa mga impormasyon, hindi na natin kailangan pang mag-isip kung brown na itlog o puting itlog ang ating kakainin. Sa katunayan, ang mga brown na itlog ay galing sa mas malalaking manok na may pulang tainga samantala ang mga puting itlog naman ay galing sa mas maliliit na manok na may puting tainga. At iyon lamang ang kanilang pagkakaiba base kay Dr. Jockers.
0 Mga Komento