Ang luya ay isang halamang gamot na bungang-ugat na kilalang pampalasa at pampabango sa mga pagkain. Pero di lingid sa kaalaman natin, na mayroon pa itong naitutulong sa kalusugan ng ating katawan.
Ang mga Sumusunod ay ang mga Mabuting Benepisyo ng Pagkain ng Luya Araw- Araw:
1. PAG SUGPO NG SAKIT NA KANSER (Cancer Cells).
Ang Luya ay may mabisang sangkap na mas epektibo at ligtas kaysa sa ibang medisina na gawa ng tao. Ayon sa pag aaral ang pag konsumo ng luya”rhizomes” ay mabisang proteksiyon sa pamamaga ng dingding ng ating mga bituka, o sa mas simpleng salita ay ang pagproteksiyon sa sakit na “colon cancer”.
2. NAKAKABAWAS SA MGA PAMAMAGA.
Ang Luya ay may sangkap na tinatawag na “Gingerols” o mekanismo upang mapalapad o mapaluwang ang mga ugat at makadaloy ng maayos ang dugo at maiwasan ang pamamaga nito.
3. NAKAKAPAGPAAYOS NG DALOY NG DUGO.
Maliban sa mabisang pag iwas sa pamamaga ng mga ugat, ang luya ay maaari ring katasin. Maglagay lamang ng limampung gramo ng ginadgad na luya sa malinis na tela at pigain sa apat hanggang limang litro ng tubig bilang solusyon na magagamit sa maayos na pagdaloy ng dugo. Ipahid lamang sa parte na apektado o nais lagyan.
4. NAKAKATULONG SA PAGHINTO NG PAGKULO NG “ACID”.
Ang pag-angat o pagkulo ng mga acid sa ating bituka ay nagiging dahilang ng hindi maayos na pagsara o pagbuka ng daluyan sa ating lalamunan. Ang luya ang siyang nagiging paraan upang ang mga asidong ito ay hindi na bumalik o umangat ulit pabalik sa lalamunan.
5. NAKAKATULONG SA ATING PANUNAW AT NAKAIIWAS SA KABAG.
Sa ilang menutong paglalaga ng luya bilang tsaa sa kumukulo o sirang sikmura ay mabisa. Dagdagan lamang ng tamang tamis at inumin dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
6. NAKAKAPAGPAHUPA SA SAKIT NG ULO.
Maari kang gumawa ng sariling mong tsaa para rin sa sakit ng ulo. Pag sama samahing pakuluan ang luya, “cayenne” o red pepper at pinatuyong yerbabuwena. Maari itong patamisin ng naayon sa panlasa ng sinumang iinom.
7. NAKAKAPAGPAGINHAWA NG UBO AT MASAKIT NA LALAMUNAN.
Ang luya ay mabisang remedyo sa ganyang karamdaman sa mahabang panahon. Paano? Magpakulo lamang ng luya, samahan ng lemon at dagdagan ng honey para sa mas mainam na epekto.
8. NAKAKAPAGPAHUPA NG KIROT NG NGIPIN.
Maaari ring pang mumog bilang mabisang pang alis sa sakit ng ngipin. Pakuluan ang luya, palamigin ng kaunti at saka ipang mumog.
9. NAKAKAHUPA NG MASAMANG PAKIRAMDAM SA PAGLILIHI.
Ayon sa mga buntis na nakasubok ng luya bilang kanilang tsaa, ito raw ay mabisang paraan para makaiwas o mabawasan ang “Morning Sickness” o paglilihi. Subalit mas mainam parin ang mag pagkonsulta sa kanilang doktor.
Iba pang mga benepisyo ng luya ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkahilo o pagsusuka pati narin ang sakit sa “muscles” o pangangatawan. Luya lamang ang isa sa mabisang paraan.
0 Mga Komento