Subscribe Us

Narito ang Mga Kabutihang Dulot ng Pagkain ng Kangkong o Water Spinach para Maiwasan ang Sakit na Diabetes, Cancer at Iba’t ibang Sakit Sa Puso.

Ang kangkong ay karaniwang matatagpuan sa hapag kainan lalo na sa karaniwang tahanan. Ito ay ginagamit sa iba’t ibang putahe ng ulam tulad ng salad, panghimagas, o sa mismong ulam at napakaraming paraan upang ito au lutuin. Ito ay matatagpuan sa mga tropikal na bansa at karaniwang nakikita sa mga anyong tubig o nakatanim sa mamasa-masang lupa.
Napakaraming bansag sa halamang dahong ito tulad ng “river spinach”, “water convolvulus”, “swamp cabbage” at kung anu-ano pa. “Ipomoea Aquatica” ang siyentipikong pangaln ng isa sa kamangha-manghang gulay na ito.


Bukod sa pagiging kilala nito sa paglagay sa mga pagkain, napatunayan din na ang kangkong ay naglalaman ng mga bitamina at mineral na lubos na kailangan natin sa ating mga katawan. Ilan sa mga ito ang Bitamina A, B1 at C, mayroon din itong phosporus, calcium para sa aitng buto, carotene para sa mga mata, iron, protein at “sitosterol” na mayaman sa amino acids.
Sa kabuuan, malaki ang gampanin ng pagkain ng kangkong sa maiwasan ang pamamaga/pamamanas, problema sa pagtulog, pag-alis ng mga toksiko o lason, pag-alis ng labis na alat sa ating katawan, at marami pang iba.
Narito ang ilan sa kabutihan na naidudulot ng Kangkong sa atin:
1. Ang kangkong ay may kakayahang na mabalanse ang asukal sa ating katawan kaya naman iminumungkahi ang pagkain nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng diyabetis.
2. Isa sa klase ng gulay ang kangkong na nakapagpapalinaw ng mata bukod sa kalabasa at carrots. Ito rin ay naglalaman ng mga katulad an sangkap gaya ng carotene, bitamina A, at lutein. Naiiwasan rin ang pagkakaroon ng katarata gawa ng produksiyon ng gluthathione na siyang nanggagaling sa kangkong.
3. Napakahalaga na maalagaan ang ating puso at ang kangkong ang isang sagot upang maiwasan ang anumang diperensya na dulot nito. Mataas ang antas nito ng “antioxidants” na tumutulong laban sa “free radicals” ng katawan na galing sa “fatigue o pagkapagod”, mataas na kolesterol at iba pang kaugnay na sakit. Ito rin ay may Bitamina A, C at mataas na bahagi ng beta-carotene.
4. Ang pagkonsumo ng kangkong ay malaki rin ang nagagawa sa kalusugan ng iyong atay. Napatunayan sa mga pag-aaral na ang kangkong ay “detoxifier” at may kakayahang maialis ang mga lason na maaaring makasama sa ating katawan.
5. Isa sa pinakamataas na sangkap ng Bitamina C kung saan malaki ang parte nito para malabanan ang anumang uri ng karamdaman. Mas lamang ang bitamina C nito kumpara sa mga matatagpuan sa mga prutas.
Ugaliing isama sa mga pagkaing inihahanda ang kangkong tulad ng mga salad, at mga putahe. Sa iba, ito ay ginagawang inumin at nagsisilbing alternatibo sa mga hindi masusustansyang nabibili sa merkado.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento