Ikaw ba’y nakararanas ng mga sintomas o palatandaan ng sakit sa iyong mga bato(kidneys)? Alam ng lahat na anapakalaki ng tungkulin ng mga ito sa ating katawan pati na rin sa ating kalusugan. Ang mga bato ang siyang responsable sa pagsasala ng mga dumi sa ating katawan na umaabot sa 30 – 37.5 gallon dugo sa isang araw at nakapagpapalabas ng 0.25 hanggang 0.50 gallon ng ihi na siyang dumi sa ating katawan. Dapat nating alalahanin na magkaroon ng malusog na bato upang mapanatili ang maayos at malusog na daloy ng ating dugo kasabay na rin ang pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit.
Maraming kaakibat ang pagkakaroon ng maayos na pangangatawan lalo na ang pagmementena sa ating bato na magawa ang kanyang tungkulin ng ayon sa takbo ng ating katawan. Ang ilan rito ay ang pagkakaroon ng matibay na mga buto, maayos na presyon ng dugo, at ang maayos na pagdaloy ng mga pulang dugo.
Kung iyong isasawalang bahala ang kalagayan ng mga bato maaari itong magdulot ng karamdaman at iba pang komplikasyon na maglalagay sa iyo sa kapahamakan. Ugaliing bumisita sa doktor ng regular at kung may nararamdam ng kakaiba makipagkita agad sa espesyalista.
Ating matutunghayan sa artikulong ito ang ilan sa mga sintomas at palatandaan na hindi na gumgana ng maayos ang ating mga bato:
PAGKAHAPO O LABIS NA PAGOD
Kung ikaw ay magkakaroon ng mababang lebel ng pulang dugo sa katawan dulot ng kakulangan sa pagtulog(anemia), kapaguran, hapo, atbp. Ito ay maaaring makababa ng supply ng “oxygen” at ang pagbaba ng produksyon ng EPO
( Erythropoietin) na siyang nilalabas ng ating mga bato. Maaari ring masira ang karaniwang sistema ng iyong utak pati na ang iyong mga “muscles”.
PAGKASIRA NG IYONG BALAT
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kapag ang ating dugo ay marumi nagdudulot ito ng hindi maayos na kutis ng ating mga balat. Nariyan ang pagkakaroon ng pangangati at pamumula. Maaari ring makitaan ng panunuyo, mga kalat-kalat na sugat gawa ng pagkalat ng dumi sa dumadaloy mong dugo sa katawan.
Ang pagkakaroon ng mga ganitong sakit o mga simpleng sugat ay maaaring malunasan gamit ang mga gamot pamahid, ngunit kung ito’y gawa ng hindi maayos na trabaho ng iyong bato nangangailangan na ito ng agarang atensyon ng mga doktor.
HINDI MAGANDANG PANLASA
Isa sa maaaring mangyari sa iyo gawa ng pagkakaroon ng maruming dugo sa katawan ay ang mabahong hininga. Kasama ng pagkakaroon nito ikaw din ay mawawalan ng gana sa anumang pagkain pati na ang maayos na panlasa sa mga uri nito na siyang magdudulot sa pagbaba ng iyong timbang.
PAMAMAGA O PAMAMANAS
Dahil ang ating mga bato ay hindi magawa ang kanyang tungkulin ng maaayos, hindi rin nakakadaloy ng maayos ang dugo sa ating katawan at may posibilidad na ito ay marumi. Kasama sa maaaring maging epekto nito ang pamamanas o paglobo ng parte ng ating katawan dahil sa mga dumi na hindi mailabas ng katawn.
Ilan sa karaniwang parte na tinatamaan ng pamamanas ay ang mga paa, kamay, bukong-bukong, hita at mas malala ay sa mukha. Kapag nakaranas ng ganitong sintomas agaarang magpunta sa doktor at kumunsulta.
PANANAKIT NG LIKOD AT BALAKANG
Ito ang isa sa pinaka-karaniwang nararanasan ng karamihan sa pagkakaroon ng problema sa kanilang mga bato. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng lagnat, madalas na pananakit ng iyong puson dala ng pagkakaroon ng maliliit na butil ng bato sa iyong mga bato (kidney stones).
Kung iba na ang kirot na iyong nararamdaman sa parteng ito, mabilis na makipagkita at kumunsulta sa doktor. Maaaring sintomas na ito na hindi na maayos ang iyong mga bato.
0 Mga Komento