Subscribe Us

Babala sa mga Kababaihan. Narito ang Mga Sintomas na ang inyong ari ay may “Bacterial Vaginosis” at ang Paraan upang Malunasan ito.

Ang “Bacterial Vaginosis” (BV) ay tinutukoy rin bilang “Vaginitis”. Ito ay isang kondisyon ng mga kababaihan kung saan may paglaganap ng bakterya sa maselang parte ng katawan. Dapat na makamit ang balanse ng pH ng maselang parteng ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga bakterya. Ang vaginosis ay nagaganap kung may pagbaba o hindi na balanse ang antas ng pH. Ang “vaginitis” ay hindi ganoon ka-delikado ngunit maaari itong magdulot ng mga nakagagambalang mga sintomas.
MGA SINTOMAS AT PALATANDAAN NA IYONG MAPAPANSIN KUNG IKAW AY MAY VAGINITIS o BACTERIAL VAGINOSIS:
1. Malagkit, maputi, o kulay berdeng lumalabas sa iyong ari.
2. Mabahong amoy na may kasamang lansa. Karaniwan itong mapapansin pagkatapos ng pagtatalik.
3. Pangangati sa apektadong parte o ari at sa paligid nito.
4. Mainit na pakiramdam lalo na kung sa oras ng pag-ihi.
5. Karamihan sa mga kababaihan ay walang kamalayan sa mga palatandaan ng pagkakaroon nito kaya’t iminumingkahi ang pagkonsulta sa doktor kung mapansin ang ilan sa mga nabanggit.



ILAN SA MGA SANHI NG PAGKAKAROON NITO:
1. Douching o ang pagsasanay na hugasan ang iyong “vagina” ng mga produktong may kemikal na sangkap na siyang nakakasira ng pH level nito at magsimulang umusbong ang mga bakterya. Ito rin ang pinagmumulan ng masamang amoy kalaunan.
2. Pagkakaroon ng ilang kapareha pagdating sa sex at paggamit din ng condom at iba pang bagay na may kaugnayan sa pagtatalik.
3. Pagkakaroon ng hindi maayos na pangangalaga sa kalusugan tulad ng pagsusuot ng masisikip na pang-ibaba, wala sa oras na pagpapalit ng napkin kung may buwanang dalaw.
4. Sobrang paghuhugas- ito ay nakakaapekto rin at nasisira ang pagiging natural ng ating vagina (vaginal flora). Isa rin ito sa upang masira ang balanse ng antas ng pH.
5. Kasama rin na nakakasira ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak, pag abuso at paggamit ng hindi malinis na bagay para maiwasan ang pagbubuntis (contraception).
MGA NATURAL NA PANGLUNAS NA MAAARING GAMITIN:
A. Calendula – maglaga ng tsaa nito at marahang imasahe sa iyong maselang bahagi o ari. Nakababawas ito sa pagdami ng bakterya. Gawin ng dalawang bese sa loob ng isang araw.
B. Tea Tree Oil – isa rin ito sa ginagamit laban sa bakterya. Maghalo ng ilang patak ng langis nito sa maligamgam na tubig at ipanghugas sa iyong “vagina”.
C. Golden Seal – isang uri ng halamang gamot na maaaring gamitin direkta sa paglaban sa bakterya.
D. Agua Oxinada (Hydrogen Peroxide)- ito ay may sangkap laban sa mga bakterya at antiseptiko bahagi. Maghalo ng 3 porsyento ng agua oxinada sa parehas na dami ng tubig panghugas sa “vagina”. Maaari rin maglagay ng ganitong timpla sa tinatawag na “tampon” at ipasok sa bahagi ng ari na hindi tataas ng tatlumpung minuto ang itatagal.
E. Dahon ng Margosa – isa sa pinakamabisang herbal na panlaban sa bakterya. Gumawa ng malagkit na timpla gamit ang dinurog na dahon nito. Ilapat sa iyong ari ng ilang minuto at maaaring gawin ang proseso sa umaga at sa gabi.
F. Ang mga prutas na citurs gaya ng kahel, lemon, dalandan at mga kauri nito ay mayaman sa bitamina C na siyang nakapagpapalakas ng resitensya at maiwasang ang malubhang sakit o impeksyon. Ang regular na pag-inom ng mga inumin gawa rito ay malaki ang maitutulong.
G. Ang pag-inom ng binabad na buto ng “fenugreek” sa magdamag tuwing umaga pagkagising bago kumain ay nakapagbabalanse ng mga hormones at naisasaayos na maging regular ang iyong buwanang dalaw o “menstraution”.
H. Ang pulbos ng “Boric Acid” ay may isang mahalagang tungkulin sa paggamot ng bakterya. Upang maibsan ito agad, maglagay ng “suppositorirs”na may sangkap na boric acid sa iyong “vagina”.
I. Ang produkto na may sangkap na “Black Walnut” ay mabisang gamot na naglilinis at may “antibacterial properties” at maaaring ipahid ang timpla nito upang maiiwasan ang pagkakasakit.
J. Ang paggamit ng bawang ay isa rin pinakamabisang paraan sa paggamot ng bakterya. Ito ay may natural na anitbayotiko at malaki ang nagagawa ng regular mong pagsama ng sangkap na ito sa pang-araw-araw mong pagkain.
K. Ang paglagay ng yogurt sa “tampon” at pagpasok nito sa loob ng iyong ari ay makababawas ng bakterya na nakaambang dumami. Isang paraan rin ang pagsama sa regular mong kinakain ang “yogurt” ay makakatulong maiwasan ang vaginitis.
L. Sa panahon ngayon, naging kilala ang “apple cider vinegar” sa maraming paraan para sa kalusugan at isa rito ay ang paglagay ng isang tasang “apple cider” sa isang malaking palanggana at pagbabad ng maselang parte sa loob ng dalawampung minuto. Maaari itong gawin tuwing umaga hanggang sa bumuti ang kalagayan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento