Sa panahon ngayon ay sobrang talamak na ang sakit na kanser. Matanda, bata, babae, lalaki, tomboy o bakla ay maaaring magkaroon nito. Ang mga sumusnod ay ilan sa mga paraan na pwede nating gamitin bilang panlaban sa isa sa pinakamasamang sakit na maaaring dumapo sa iyo lalo na sa mga kababaihan, ang “BREAST CANCER”.
Ating ipagpatuloy ang pagbasa sa artikulong ito para sa mga karagdagang impormasyon. Palawakin ang kaalaman at mamuhay ng malusog at masaya.
Sa ngayon, maaari tayong gumawa ng paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng kanser sa dibdib at ito ang mga sumusunod:
1. Ang pag-inom ng mahiwagang timpla panlaban sa kanser
Napakahalaga ang pagkain ng prutas at gulay sa araw-araw at ang paggawa ng inuming may kaugnayan sa mga berdeng halaman ay malaki ang naitutulong sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit.
Mainam ang pagkonsumo ng mga inuming may sangkap na “alkaline” sapagkat isa ito sa pinaka-aasam ng ating pangangatawan. Ang paghahanda ng isang klase na inumin na panlaban sa kanser ay maaaring gawin.
Ang mga sangkap na maaaring gamitin ay:
1 saging o isang tasa ng prutas na nais
1 kutsarang langis ng niyog
2 kutsara ng buto ng abaka
2 tasang pinalamig na yerbabwena
1/4 na tasa ng “goie berries”
1 salok(scoop) ng pulbos ng dahon ng trigo(wheatgrass)
5-15 patak ng “Ocean’s Alive Marine Phytoplankton”
kalahating kutsaritang spirulina
2 dahon ng “kale” o mga kauri nito,isang kutsaritang maca
2 kutsaritang pulot o katas ng buko o niyog bilang pampalasa
2. Pag-iwas sa mga komestikong produkto.
Karamihan sa mga pang-araw araw na mga “moisturizers” na ating ginagamit ay may laksang sangkap na nakakakanser at ito ay lingid sa ating kaalaman. Karaniwang ating ginagamit ang mga “lotion” at iba pang komersiyal na mga produkto na naglalaman ng mga mapangib na “carcinogens”.
Ang paraan ng pagpapahid nito sa ating katawan lalo na sa parte ng ating mga dibdib ay maaaring maging paraan upang makapasok ang mga toksikong ito diretso sa daluyan ng ating dugo. Sa kabilang banda, maaari namang gumamit ng mga natural o organikong “moisturizer” tulad ng langis ng niyog.
3. Kombinasyon ng langis ng Kastor at Luyang dilaw gamit bilang pangmasahe.
Isang pamamaraan makagaan ng pakiramdam at pag-alis ng stress ay ang pagpapamasahe. Maaari mo itong gawin sa iyong kabiyak at samahan na rin ng pinaghalong langis ng kastor at “turmeric” na siyang isa sa may kakayanang manuot sa ating mga balat, naiaalis din nito ang mga toksiko sa ating katawan.
Ang manilaw-nilaw na klase ng luyang dilaw ay napakabisang panlaban sa kanser at nakakatulong sa paglakas ng ating resistensya at naiiwasan ang anumang pamamaga. Ang timplang ito ay maaari ring iapply sa parte ng ating kili-kili, bahagi ng leeg higit sa lahat sa ating dibdib at kung may sapat ka na oras, mas mainam ito na maibabad at bahagyang hugasan habang naliligo sa maligamgam na tubig.
4. Ang paggamit ng “Dry Skin Brush”.
Ang bagay na ito ay maaaring maging pinakamadali at mainam na paraan sa pagtanggal ng mga toksiko sa ating katawan. Ugaliin itong gamitin ng regualar at kamangha-mangha ang tulong nito sa atin. Ito ay mabibili “online” o sa mga tindahan ng parmasiyotiko.
5. Hangga’t maaari ay huwag magsuot ng bra (lalo na kung ikaw ay komportable sa lugar kung nasaan ka)
Mas mahaba ang panahon sa hindi pagsusuot ng bra ay mas malaki ang posibilidad sa pag-iwas ng pagkakaroon ng kanser sa dibdib. Ang ilan sa mga pamamaraang ito ay maaari nating ibahagi sa mga kakilala, kaibigan at mga mahal sa buhay upang madagdagan ang kaalaman at maiwasan ang kanser.
0 Mga Komento