Ang Pipino o “Cucumis sativus” sa salitang siyentipiko ay isang uri ng halaman na gumagapang at ito ay katutubong inaani sa Timog Asya at sa ngayon ay matatagpuan na iba’t ibang lugar sa mga knotinente. Ito rin ay may iba’t ibang itsura, laki at kulay.
Ngunit saan nga ba natin ito maaaring mapakinabangan? Marami mga tao na dalubhasa sa agham ang nangalap ng pag-aaral kung ano pa ang mabuting dala nito sa ating kalusugan bukod sa mga bitamina at mineral. At ayon sa kanila, ang ilan sa mga ito ay may pangunahing tungkulin sa pagre- “rehydrate” ng ating katawan, may kakayahang magtanggal ng lason at mapaganda ang kutis nga ating mga balat.
Ang pagdiskubre sa mga natural o organikong paraan bilang pagbigay ng atensyon sa iyong kalusugan ay naging kilala sa marami. Ilan dito ang pag-inom ng isang lalaki ng walong baso ng tubig araw-araw sa loob ng isang buwan at isang babae na kumakain naman ng saging sa isang araw sa loob din ng isang buwan na nagdala sa kanila sa katagumpayan kung saan malaki ang ipinagbago at inilakas ng kanilang mga katawan.
Sa panahon ngayon, ang pipino ay isa sa pinakapopular na nagagamit hindi lang sa pagkain kundi pati na rin sa pampaganda at mga bagay na may kaugnayan sa kabuuan ng iyong katauhan. Isang batang babae, na hindi pinangalanan ay naging mausisa at nagdesisyon na gumamit ng pipino sa loob din ng isang buwan at paglaon ay nakita niya ang mga kamangha-manghang dulot nito sa kanya.
NARITO ANG EPEKTO NG PAG INOM NG PIPINO NA BINABAD SA TUBIG:
1. Ang pagsunog sa mga taba sa katawan at maayos na sistemang panunaw.
Ang pagkain ng pipino ay nakakatulong upang maging maayos ang pagdaloy ng pagkain sa iyong tyan at matunaw ito ng nararapat sa iyong sistema. Ito rin ay binubuo ng mataas na antas ng “fiber” na siyang nakakapagpaalis ng mga lason sa nakasasama sa ating kalusugan.
2. Tinatanggal nbito pagkakaroon ng mabahong hininga.
Ito ay naiibsan kung regular kang kakain ng pipino sapagkat ito ay may kakayahan na alisin ang mga bakterya na matatagpuan sa ating bibig. Magbabad ng isang hiwa ng pipino sa loob ng trenta segundo. Gawin itong regular at mapapansin ang pagbabago sa iyong hininga.
3. Nagtatanggal ng lason sa katawan at napapanatili ang magandang kutis ng balat.
Ang pipino ay may naglalaman ng 95 porsyento ng tubig na siyang malaki ang nagagawa sa pagpapanatili ng magandang kutis at pagbalanse ng tubig . Sa gayon, napapanumbalik rin nito ang karamihan sa mga mahalagang bitamina sa ating katawan.
Ang pipino ay madaling matagpuan sa mga pamilihan, palengke at iba’t-ibang tindahan. Isa rin ito na mababa ang presyo sa karamihan ng mga gulay kaya’t umpisahan ng bumili at kumain sa araw-araw. Isama kasabay ng iyong pagkain o pwede rin ilagay sa iyong nais na inumin.
Ang pipino bukod sa mga natalang kabutihang dulot nito, ito rin ay mabisang panlaban sa kanser, naiiwasan ang sakit ng ulo, napapalitan ang nawalang dami ng tubig sa katawan, tumutulong sa pagbaba ng timbang, naiibsan ang sakit ng kasu-kasuan, naiiwasang magka-alta presyon, diyabetis, nakapagpapababa ng kolesterol, napapaganda ang sistema ng panunaw at nakapagpapakintab ng iyong buhok. Napakarami pang magandang epekto nito hindi lang sa kalusugan kundi sa kabuuan ng ating katawan.
0 Mga Komento