Subscribe Us

Ang Listerine pala Ay hindi lang Ginagamit Bilang Mouthwash, Maaari pala itong Gamitin Laban sa mabahong paa, Tigyawat, at maging sa inyong Kili- kili.

Nakagamit ka na ba ng “Listerine”? Ito ay isang personal at ginagamit sa araw-araw na sinimulan pa noong 1800’s upang mapabango ang ating mga hininga. Ngunit alam nyo ba na marami itong pakinabang na hindi natin nalalaman? Sa pagpapatuloy mo ng pagbabasa sa artikulong ito, malalaman natin kung anu-ano ang maaari pang paggamitan ng listerine.
Narito ang iba’t ibang benepisyo o pwede pang gawin gamit ang Listerine:

1. Panlaban sa paltos o mga lintos
Ang mga ito ay makirot at maaaring maging delikado kung hahayaan lamang. Maaari tayong maglagay ng sapat na dami sa bulak at iapply sa apektadong lugar. Maaaring ulitin hanggang tatlong araw o hanggang mawala ang mga ito.


2. Gamot sa ubo at sipon
Ang pagmumumog ng sapat na “concentrated” na dami ng listerine ay may kakayahang makapawi ng kirot ng lalamunan at nakakabawas sa pangangati nito.
3. Gamot sa balakubak
Magtimpla ng 1/4 na tasa ng listerine sa isang tasa ng tubig at iapply sa iyong anit. Mabuting masahiin ito upang ang mga sangkap ng listerine ay manuot na siyang makapagpapaalis sa ating mga balakubak.
4. Maaaring gawing deodorant
Ang listerine ay nakababawas ng mabahong amoy sa kili-kili at maaaring maglagay nito sa araw-araw. Ipahid lamang sa kili-kili gamit ang bulak.
5. Para sa mabahong paa 
Ang listerin ay may sangkap na nakatutulong sa pagpuksa ng bakterya na nagdudulot ng mabahong paa. Ito ay makakamit sa paghahalo ng dalawang parte ng maligamgam na tubig sa isang parte ng listerine at ibabad sa ang iyong paa sa loob ng dalawampung minuto.
6. Nakakahupa ng pagkakaroon ng taghiyawat
Ang paglalagay ng sapat na dami ng listerine sa ating taghiyawat dahil ito ay malamig sa pakiramdam ay makakatulong sa sa pag-impis at sa paglaon ay pagkawala ng mga ito.

7. Pagkontrol sa pagdami ng kuto 
Lingid sa kaalaman ng marami, ang listerine ay nakakatulong sa pagkamatay ng kuto at mga lisa sa ulo. Maglagay ng sapat na dami sa ating anit at ikulob gamit ang supot. Hayaan ito sa loob ng isang oras at saka hugasan. Mas mapapaganda ang resulta ng prosesong ito kung hahaluan ng suka ang listerine.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento