Subscribe Us

Narito ang 5 Magandang Benepisyo na Naibibigay ng Pagkain ng Langka sa ating Kalusugan. Alamin at Basahin Dito.

Bilang pinakamalaking punongkahoy sa mundo na namumunga, ang langka ay maaaring umabot sa 50 Kg. Maaaring patuyuin ito saka kainin, ihawin o di kaya’y gamiting sangkap sa sopas, pwede rin gawin itong jam at iba isama sa iba pang potahe.Maraming taglay na benepisyo ang pagkain ng langka, ito ay puno ng vitamins, minerals and powerful antioxidants. Ito ay mayroong magnesium, calcium, Vitamin B6, Vitamin B12, at Vitamin C.
Kabilang sa mga magagandang dulot ng pagkain nito ay ang pag ganda ng kalusugan ng buto, magandang digestion, pagbaba ng tyansa na magkaroon ng cardiovascular disease o sakit sa puso at paglaban sa kanser. Ang mga antioxidants at phytonutrients naman ng langka ay syang nagpapalakas sa ating immune system.
Narito ang mga Magandang Benepisyo ng Pagkain ng Langka:
1. Nilalabanan ang Kanser.
Ang langka ay kilalang pagkaing mainam laban kanser dahil sa kakayanan nitong labanan ang free radicals. Pinapalakas ng langka ang immune system. Ang prutas na ito ay nagtataglay ng antioxidant at phytonutrients na syang nagpapalakas sa immune system.
Ayon sa pananaliksik, ang pagkonsumo ng antioxidants ay nakapagbibigay sa immune system ng suportang kailangan nito upang umiwas sa kanser. Isa pa sa benepisyong dala ng langka ay ang dala nitong Vitamin C na kilalang mainam sa immune system.
2. Mas Mataas na Magnesium Level.
Kabilang sa mga benepisyong dala ng prutas na ito ay ang kakayanang makapagpataas ng magnesium level sa katawan. Ito ay upang maiwasan ang magnesium deficiency na isa sa dahilan ng fatigue, panghihina ng kalamnan, iregular na tibok ng puso, high blood pressure, muscle cramps at osteoporosis. Dahil sa pagpapataas ng lebel ng magnesium sa katawan, nababawasan ang tyansa na magka diabetes.
3. Iwas Cardiovascular Disease o mga Sakit sa Puso.
Salamat sa vitamins at nutrients na taglay nito, ang langka ay syang tunay na nakakapagpababa ng tyansa ng magkaroon ng cardiovascular disease. Ang langka ay nagtataglay ng Vitamin B6 at B12, kaya nitong tumulong upang umiwas sa mga problema sa puso. Ayon sa pagaaral, ang Vitamin B6, B12, at folic acid ay nakakapagpababa ng homocysteine level sa katawan dahilan upang hindi magkaroon ng problema sa puso at stroke. 
4. Magandang Pagtunaw ng Kinain. 
Sadyang mayaman sa fiber ang langka, kaya naman napapaganda nito ang pagtunaw ng ating kinain. Ang fiber na taglay nito ay nakapagsisiguro na mas regular ang pagdumi. Kabilang sa mga benepisyong dagadag ay ang pagiwas sa constipation at mga ibang sakit ng tiyan. Ang fiber sa prutas na ito ay hindi hinahayaang magkaroon ng pamamaga sa digestive system.
5. Iwas Osteoporosis.
Kabilang sa mga natural na benepisyo ng pagkain ng langka ay ang kakayanan nitong tumulong upang makaiwas ang katawan sa osteoporosis. Ang prutas na ito ay may taglay na magnesium at calcium, ang dalawang ito ay may papel na ginagampanan sa kalusugan ng buto.
Dahil dito mas nagkakaroon ng maliit na tyansa na magkaroon ng osteoporosis at osteopenia. Ang isang serving ng langka ay mayroong 6{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} ng rekomendadong pangaraw-araw ng pangangailangan ng katawan sa calcium.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento