Subscribe Us

Ito ang Mga Bagay na Makikita sa Inyong Bahay na Maari Maging Dahilan ng Pagkakaroon ng Kanser. Alamin Dito.

Ayon sa mga eksperto sa toxicology, mayroong mga bagay sa ating pamamahay na maaaring magdulot ng kanser, alamin ang mga ito.
SOFA.
Ang iyong paboritong sofa ay maaaring mapanganib sa iyong kalusugan. Karamihang mga sofa ay prinoseso kasama ang TDCIPP, isang flame retardant na kilalang nagdudulot ng kanser. Ito ay madalas na ginagamit bago ang taong 2013 bago mapatunayan ng Duke University na mayroong bakas ng TDCIPP sa mga pasyenteng mayroong kanser. Ito rin ay kabilang sa 10 na kemikal na madalas nakikita sa alikabok sa bahay.

KURTINA at CARPET.
Ang Cadmium ay isang carcinogenic byproduct na nagmumula sa usok ng sigarilyo. Kung ikaw ay nagyoyosi sa loob ng bahay, ang cadmium at iba pang byproduct mula sa usok ng sigarilyo ay kumakapit sa kurtina at sa carpet kahit na wala na ang usok. Mayroon rin tayong tinatawag na third-hand smoke na mahirap mapuksa, kahit pa matapang na panglinis ang gamitin.
HARDIN.
Ang Dioxin ay isang uri ng chemical byproduct na napupunta sa lupa at tubig. Ito ay maaaring nasa alikabok sa eskaparate, dumi sa sahig, at iba pa. Ang panganib ng kanser mula sa pagkakalantad sa dioxin ay sadyang mataas kaya siguraduhing magsuot ng gwantes sa hardin at maglinis ng mainam bago pumasok sa loob ng pamamahay.
LUMANG PRIDYIDER.
Ang carcinogenic PCBs ay madalas makikita sa mga lumang kagamitan sa bahay tulad ng bumbilya at transformer sa TV. Ang PCBs ay ipinagbabawal na sa mga appliances sa Estados Unidos ngunit mayroon parin dito sa Pilipinas. Mainam na palitan na ang lumang kagamitan katulad ng pridyider umang ito ay maiwasan.

KAGAMITANG PANLINIS.
Ang Formaldehyde ay kilalang carcinogen na makikita sa ating pamamahay. Ito ay nasa pagkain, pampaganda, at higit sa mga kagamitang panlinis katulad na lamang ng dishwashing liquid, fabric conditioner, at panlinis ng carpet. Ito rin ay makikita sa pintura, at sa mga permanent press fabrics. Nakukuha rin ito sa paglanghap ng usok direkta mula sa kalan.
APARADOR.
Ang dry-cleaning chemical na perchloroethylene (tetrachloroethylene o “perc”) ay isang carcinogen na dumarami kung saan man tinatago ang iyong mga damit na pinadry-clean. Ito ay makikita sa mga spot removers, pampakinang ng sapatos at sa panlinis ng kahoy. Siguraduhing gumamit ng gwantes.
PAMPATAY NG DAMO.
Walang may gusto ng damo sa tabi ng kanilang mga namumulaklak na halaman, ngunit kapag iyong napagdesisyunan na gumamit ng herbicides na nagtataglay ng carcinogen na glyphosate, maaari kang magkaroon ng kanser. Siguraduhing tingnan ang binibiling pampatay ng damo, kung maaari pumili ng mayroong mga natural na sangkap.

SPRAY SA INSEKTO.
Ang mga peste sa kusina at iba pang mga gumagapang na insekto ay nagdadala ng sakit. Ngunit kung ito ay pupuksain, tataas rin ang iyong tyansa na magkaroon ng kanser. Ang mga chemical pesticides, kabilang yaong mga ginagamit sa ating mga alaga upang makontrol ang kanilang mga pulgas ay kabilang rito.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento