Kalakip ng stress na ating kinahaharap sa pangaraw-araw at ang tuloy-tuloy na daloy ng impormasyon sa ating utak, minsan kailangan ng ating pagiisip ng konting sipa. Kung usapang brain health naman, naglaan ang kalikasan ng medisina para dito.
Mayroon mga halaman na may kakayanang magpababa ng stress at anxiety habang pinoprotektahan ang ating pagiisip sa dementia at nagbibigay rin ng iba pang natural na benepisyo sa ating utak, kasama na rito ang pagtalas ng memorya, focus, at cognitive performance. Kung kailangan ng iyong utak ng sustansya, maaari mong subukan ang mga natural na lunas.
Narito ang apat na halaman na kayang protektahan ang iyong utak upang makaiwas nari sa stress:
1. Gingko Biloba
Bilang isa sa pinakamatandang punong kahoy, ang Gingko Biloba ay ginagamit noon pa upang gamutin ang maraming isyung pangkalusugan, kabilang na ang hindi magandang daloy ng dugo at pangit na memorya. Dahil sa mas mainam na daloy ng oxygen sa utak, nakakatulong rin ito sa may mga dementia. Sinusuportahan ng Ginko Biloba ang nerve cells na naapektuhan na ng dementia at maaari ring nakatutulong upang maiwasan ang Alzheimer’s, ito ay bunsod ng antioxidants na taglay ng gingko biloba na syang lumalaban sa free radicals. Ang flavonoids at terpenoids sa gingko biloba ay pinaniniwalaang nakatutulong sa pagbaba ng posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, kanser at Alzheimer’s.
2. Rosemary
Isa sa pinakaunang rekomendadong gamit ng Rosemary ay bilang “cognitive stimulant”. Ito ay may kakayanang magpagpatalas ng memorya, at mas magandang focus. Ang abilidad ng rosemary na makapag-stimulate ng cognitive activity ay maaring makatulong sa pagpapababa ng tyansa na magkaroon ng Alzheimer’s o di naman kaya’y dementia. Ang manamisnamis na amoy ng rosemary ay kaugnay ng pagpapaganda ng mood at pagkawala ng stress ng mga taong may chronic anxiety at hormone imbalance.
3. Ginseng
Ayon sa mga pagaaral, ang ginseng ay maykakayanang pagandahin ang mood at mental function ng isang tao upang mabawasan ang stress at anxiety. Ang ginseng rin ay mayroong abilidad na palakasin ang konsentrasyon ng utak. Napatunayan ng isang pananaliksik na ang ginseng ay maaaring maging natural na lunas sa Alzheimer’s. Ito rin ay mayroong malakas na anticancer properties. Kaya rin nitong pigilan ang paglaki ng tumor, kaya naman pwede itong natural na lunas sa kanser.
4. Peppermint
Ang peppermint ay nagtataglay ng phytonutrient na kilala bilang monoterpene. Napatunayan sa pagaaral na ginawa sa mga hayop na mayroon itong kakayanan na patigilin ang pancreatric, mammary at liver tumors. Ito rin ay nakitaan ng kakayanan na protektahan ang katawan laban sa kanser sa colon, balat, at sa baga. Ayon sa mga researchers, ang amoy at lasa ng peppermint ay mayroong magandang epekto sa cognitive function. Ang peppermint ay nakapagpapataas ng pagkaalerto, memorya, paghusga, haba ng atensyon, pati na rin ang problem solving skills ng isang tao.
0 Mga Komento