Meron na ba kayong wisdom tooth? Alam nyo ba kung ano ang wisdom tooth at kung kelan ito tumutubo? Narito at alamin nyo kung anu nga ba talaga ang wisdom na tooth na ito.
ANU NGA BA ANG WISDOM TOOTH AT KELAN ITO LUMALABAS?
Ang wisdom tooth ay ang huling ngipin na tumutubo sa pagtanda ng tao. Ito ay kadalasang apat, dalawa sa baba at dalawa sa taas. Ang mga ito ay nagsisimulang tumubo sa edad ng tao na 17 to 25.
ANO-ANO ANG DAHILAN NG PAGSAKIT NG WISDOM TOOTH?
Kapag ang wisdom tooth ay tumubo ng maayos kapantay ng iba pang ngipin ay walang magiging problema. Narito ang mga listahan ng nagdudulot ng problema sa wisdom tooth na dahilan ng pagsakit nito:
1. Kilo-kilo o hindi pantay na Wisdom Tooth.
2. Ang pagtubo ng wisdom tooth ay masyadong malaki at hindi kasya sa bunganga.
3. Kapag mali ang tubo maaaring magdulot ng inpeksyon o sugat sa palibot ng ngipin.
Mahalagang alam natin kung anu-anu ang mga senyales o kung kelan tutubo ang ating mga wisdom tooth para ito ay ating maalagaang mabuti agad, mainam na kumunsulta palagi sa dentista.
MGA SENYALES NA MAGKAKAROON KA NG PROBLEMA SA IYONG WISDOM TOOTH:
1. Ang iyong gilagid ay namumula at namamaga dulot ng sugat.
2. Ang parte ng gilagid na kung saan ay ginagamit pangnguya ay nagsisimula ng sumakit.
3. Mayroon kang sinat.
4. Ang wisdom tooth mo ay nagdudulot na ng sugat sa iyong gilagid.
5. Nahihirapang ibuka ang bunganga at lunukin ang pagkain at inumin.
6. Ang ilalim ng iyong panga ay may namamagang kulani na.
Ang pagkalihis o pagmali ng tubo ng wisdom tooth ay nagdudulot ng sakit sa atin ngunit sa iba hindi mo mahahalata na nagkaroon na sila ng wisdom tooth. Para maiwasan ang problema o pananakit ng gilagid sa pagtubo o sa pagkakaroon ng wisdom tooth pwede mo na itong gamoting ngayon gamit ang mga bagay na nakikita sa loob ng bahay.
Narito ang mga listahan na natural na sangkap na maaaring makatulong sa pananakit ng wisdom tooth at ang paraan ng paggamit nito:
1. Bawang.
Maghanda lang ng 1 o 2 piraso ng bawang
Paraan ng paggamit nito:
• Ilagay ang bawang sa sumasakit na wisdom tooth at kagatin ito, pwede rin itong tadtadin ng maiigi at ipahid, gawin ito dalawa o tatlong beses araw araw o hanggat hindi naalis ang sakit.
2. Tubig na may Asin.
Maghanda lang ng isang basong maligamgam na tubig at 1 o 2 kutsara ng asin
Paraan ng paggamit nito
• Ilagay ang asin sa maligamgam na tubig at ibabad ito sa bunganga ng mga ilang minute.
3. Peanut Butter.
Ang peanut butter ay gawa sa inihaw na mani at giniling ito. Ang mani ay nagtataglay resveratrol ito ay isang uri ng anti-inflammatory and analgesic na dahilan para gamoting ang pananakit ng wisdom tooth
Paraan ng paggamit nito:
• Kumuha lang ng peanut butter gamit ang iyong daliri at ilagay ito sa parte ng wisdom tooth na sumasakit. Gawin ito ng madaming beses sa loob ng isang araw.
4. Apple Cider Vinegar.
Maghanda lang ng 1 o dalawang kutsara ng apple cider vinegar at isang baso ng tubig
Paraan ng paggamit nito:
• Kagaya ng paraan ng paggamit sa asin at maligamgam na tubig, ihalo ang apple cider vinegar sa tubig at ito ang ihugas sa loob ng bunganga.
5. Kalamansi at Asin.
Maghanda lang ng ½ lemon o kalamansi, kunting asin at tubig.
Paraan ng paggamit nito:
• Kunin ang katas ng lemon o kalamansi, lagyan ng tubig at kunting asin para ito ay lumabnaw at ilagay sa wisdom tooth at sa gilagid na nakapaligid dito. Gawin ito tuwing sumasakit lang ang wisdom tooth
Paalala huwag gumamit ng katas ng lemon o kalamansi ng hindi ito hinahalo sa tubig na may asin dahil ito ay masyadong matapang sa ngipin.
6. Listerine.
Ang Listerine ay mayroong sangkap na mentol, thymol at eukalyptolall na dahilan para maalis ang sakit na nararamdaman pag tumutubo ang wisdom tooth.
Paraan ng paggamit nito
• Kumuha ng Listerine at ilagay ito sa isang baso at imumog sa loob ng bunganga ng 1 o 2 minuto, gawin ito 2 o 3 beses pagkatapos kumaen araw araw.
7. Paglagay ng mainit o malamig na basahan.
Maghanda ng bote na mayroong mainit o katamtamang init o yung kayang init lang ng tubig o kaya ay isang lalagyanan na mayroong yelo sa loob.
Paraan ng paggamit nito
• Kunin ang bote na may mainit na tubig o ang lalagyanan na mayroong yelo at ilagay ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto sa pisnge sa lugar kung saan banda sumasakit ang wisdom tooth.
8. Pundamental na langis o essential oils.
Kailangan lang ng 1 o 2 patak ng pundamental na langis
Paraan ng paggamit nito:
• Ipatak ang pundamental na langis sa sumasakit na wisdom tooth at imasahe ito ng 2 hangang 3 minuto at pagkatapos ay hugasan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 1 o 2 beses sa loob ng isang araw.
9. Paghaginit ng Langis ng Niyog sa bunganga.
Maghanda ng isang kutsarang langis ng niyog
Paraan ng paggamit nito:
• Ilagay ito sa loob ng bunganga at pahaginitin gamit ang laway ng 15 hanggang 20 minuto bago luwain at hugasan ang bunganga ng maligamgam na tubig. Gawin ito araw araw tuwing umaga bago magsipilyo ng ngipin.
Ang mga paraang ito ay maaring makatulong sa paggamot o pagalis ng sakit ng ngipin ngunit kapag ang lahat ng ito ay hindi gumana sa inyo mas mabuting magpatingin na sa dentist para sa mas mabisang paraan. Ang iba ay tinatangal ang wisdom tooth kapag ito ay nalilihis sa pamamagitan ng opera. Narito ang mga dapat o pwedeng gawin pagkatapos operahin at tanggalin ang wisdom tooth at para maiwasan ang pagsakit nito.
• Maglagay ng gasa sa bahagi ng inoperahan at lagi itong palitan para makaiwas sa pamamaga.
• Pagkatapos ng opera huwag muna kumain o uminum ng madami at iwasan din muna ang sobrang pagsasalita.
• Kumain lang ng malalambot na pagkaen para maiwasan ang pagwersa sa bagong opera ng gilagid.
• Kapag huminto na ang pag dugo uminom lang ng maligamgam o malamig na tubig para hindi mahydrated.
• Huwag galawin ang parte ng inoperahan bago magdulot ng pagdurugo.
• Huwag muna sipilyuhan ang parte na inoperahan.
• Iwasan muna ang mabibigat na gawain pagkatapos ng opera.
Ang payng ito ay siguradong makakatulong sa inyo, pwede nyo ding gawin ang mga natural na paraan para mapanatili ang ganda at tibay ng inyong mga ngipin.
0 Mga Komento